^

Pang Movies

Sunshine at dyowa, hindi minamadali ang engagement

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Sunshine at dyowa, hindi minamadali ang engagement
Sunshine Cruz at Macky Mathay

Mabilis na itinanggi ni Sunshine Cruz na isang engagement ring na nga ang kanyang suot sa isa nilang pic ni Macky Mathay na lumabas sa social media. Maski ang kanyang pinsang si Geneva kasi ay nagtanong sa kanya, pero mahigpit ngang itinanggi iyon ni Sunshine. Bakit nga ba naman, basta singsing engagement na agad ang iniisip?

“Dadating din naman siguro ako sa ganoon, pero hindi ko kailangang magmadali. Iyong engagement ok naman iyan kung talagang may plano na kayong pakasal. Sa part niya ok lang naman, pero sa part ko malabo pa dahil wala pang desisyon ang korte doon sa aking petition for annulment kahit na nga ilang taon na iyon.

“Suwerte-suwerte nga lang siguro dahil may mga nag-petition ng annulment na magugulat ka, sandali lang ok na. Sa akin nagtatagal. Ang sinasabi ko nga talaga namang sa ngayon hopeless nang magkaroon kami ng reconciliation, bakit kailangang patagalin pa ang annulment. Kung may cooperation lang siguro ang lahat ng parties, mas madali. Kaso hindi ganoon ang nangyayari,” sabi ni Sunshine.

Pero ano ang status ng relasyon nila ni Macky?

“Inaamin naman namin na may understanding na kami since two years ago. Kasundo naman niya ang mga anak ko, at ganoon din naman ako sa mga anak niya. In fact kung may gathering napagsasama naman namin ang aming mga pamilya. Pero hanggang doon na lang muna kasi sinabi ko naman from the start na unless makuha ko na ang annulment ng kasal ko, hindi ko talaga mapa-plano na magsama kami or what. Mahirap din naman iyon for both of us,” sabi pa ni Sunshine.

Ang maganda nga lang, inaamin naman ni Sunshine na happy siya sa kanyang buhay, kahit na minsan may mga problema pa rin. “Pero at least ang mga problema ko ngayon hindi na kasing grabe noon,” sabi pa niya.

Mike napag-iiwanan na

Katatapos lang naman ng isang serye na lead pa si Mike Tan, pero ngayon sinasabi ng kanyang mga followers na bakit daw wala pang kasunod ang kanyang assignment. Aba sa dami ng mga artista ng GMA 7, at kumukuha pa nga sila ng iba na masasabing leading man din ang dating, kagaya nga ni Rayver Cruz, hindi mo maaasahang sunud-sunod ang magiging assignment ng lahat ng artista nila.

Ganyan lang naman talaga ang buhay. Iyan namang si Mike Tan, may panahon ngang halos isang taon na walang ginagawa sa TV kung ‘di guestings lamang, pero nabubuhay naman siya sa mga regional shows na nakukuha niya dahil sa network din.

Iyon nga lang, sinasabi kung kailan malapit nang manganak ang misis niya at saka pa wala siyang assignment, pero siguro naman na­paghandaan na niya iyon.

Bukol ng matinee idol pinag­pipiyestahan sa social media  

Hindi rin maintindihan ng mga fans ng isang matinee idol kung bakit ang daming lumalabas na pictures ng idol nila sa social media na parang ang laging naka-focus ay iyong kanyang ‘bukol’.

Sa totoo lang may mga fans na nababastusan din sa ganoon. Alam naman nilang hindi ang idol nila ang may kagagawan noon kung di siguro iyong ibang mga taong may pagnanasa sa kanya.

Bina-bash ng kanyang mga fans ang nagpo-post ng ganoong mga pictures, pero mukhang wala ring effect. Mukhang mas natutuwa pa ang mga nagpo-post ng ganoon dahil napapansin sila.

vuukle comment

MACKY MATHAY

SUNSHINE CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with