^

Pang Movies

Ivan ine-enjoy ang prIvate life sa Amerika

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa
Ivan ine-enjoy ang prIvate life sa Amerika
Ivan

Marami ang naghahanap sa Kapuso hunk na si Ivan Dorschner.

Since natapos raw ang huli nitong te­leserye sa GMA-7 na The One That Got Away noong nakaraang May, hindi na raw ito napanood sa bagong teleserye.

Huling napanood si Ivan sa Lip Sync Battle Philippines.

Sa kanyang Instagram account, nalaman namin na bumalik pala si Ivan sa Los Angeles, California. Since June ay nandun na siya at mukhang wala pa itong plano na bumalik para magtrabaho.

Maraming fans niya ang nagtatanong kay Ivan kung kelan ito babalik at mapapanood sa isang teleserye. Pero walang sagot ang aktor.

Huling post ni Ivan sa IG ay noong mag-celebrate ito ng 4th of July.

Makikita sa ibang post niya na naggo-grocery shopping ito at nagma-mountain climbing.

Tila ini-enjoy yata muna ni Ivan ang mga hu­ling weeks ng summer sa US bago ito bumalik ng Pilipinas.

Rita tanggap ang mga panlalait

Wala nga namang perfect na tao. At ito ang gustong ipaalam ng Kapuso singer-actress na si Rita Daniela sa kanyang feature sa FHM.

Isa kasi si Rita sa laging bina-body shame sa social media.

Pero dedma ang singer-actress dahil ini-embrace niya ang kanyang katawan. Lahat ng flabs, scars and kung anu-ano pa raw na imperfection ay tanggap ni Rita.

Dinadaan lang ito ni Rita sa kanyang confidence at talent. Tila inisigaw ng My Special Tatay star na “love me for what I am and not for what I should look.”

Bollywood actress unang recipient ng Meryl Streep Award

Ang former Miss World 1994 at isa sa sikat na Bollywood actresses sa buong mundo na si Aishwarya Rai Bachchan ang magiging unang receipient ng Meryl Streep Award for Excellence at the first Women in Film and Television (WIFT) India Award.

Ang naturang parangal ay para sa pag-honour sa best female talent in Bollywood and Hollywood. Magaganap ito sa Washington DC on September 8.

Ayon pa sa The Hollywood Reporter: “WIFT India will reward Aishwarya for showcasing a distinction in her craft and for expanding the role of women within the entertainment industry.”

Ang WIFT India founding president na si Petrina D’Rozario ang nag-explain kung bakit pinangalan nila sa three-time Oscar winner ang special award.

vuukle comment

IVAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with