^

Pang Movies

Indie films ‘di pa rin maarok ng masa

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Hanggang sa last day ng festival ng mga indie films, malungkot ang mga sinehan. Nakakalungkot isipin na wala pa ring nakuhang suporta ang mga pelikulang indie mula sa masa. Wala ring nagawa kahit na anong pralala ang ginawa ng mga tauhan nila sa social media. Hindi rin pinakinggan ng mga tao ang reviews ng mga kritiko. Kung sabagay lagi namang taliwas ang gusto ng mga kritiko sa masa eh. Kahit noong araw, kung ano ang pelikulang nilalait nila, iyon ang malakas sa takilya.

Natatandaan nga namin ang isang film producer noong araw, na basta ang kanyang pelikula ay pinuri ng mga kritiko, sumasakit agad ang ulo, kasi alam niya hindi na siya kikita.

Aminin na kasi natin ang katotohanang maski sa kanilang bayan hindi naman naging box office hits ang pelikula nina Fellini at Visconti. Dito rin naman sa atin, huwag na tayong magbanggit ng pangalan pero ang mga director na nananalo pa ng award sa abroad, wala pang kahit na isang pelikulang kumita.

Huwag ninyong sisihin ang mga Pilipino. Ganyan din naman kasi ang kalagayan kahit na sa ibang bansa. Tanggapin na natin na ang pelikula ay “escapism.” Gusto nilang sa loob ng dalawang oras, sa isang madilim at malamig na sinehan ay matakasan nila ang mga problema at alalahanin nila sa buhay. Kaya iyang mga pelikulang, actually hindi na bagong idea dahil ginagawa na iyan sa Europe noon pang early 50’s na tinatawag na mga pelikulang “neo-realist”, talagang hindi kumikita iyan.

Dito rin sa atin, isa sa pinaka klasikong pelikula, ang Huk sa Bagong Pamumuhay, na ginawa ng national artist na si Lamberto Avellana noong 1953, at ang bida ay sina Jose Padilla Jr. at Celia Flor, na nanalo ring best picture noon, flop po ang pelikulang iyon.

Naaalala nga namin ang madalas na kuwento ni director Leroy Salvador noong araw. Lahat daw ng mga magagandang pelikula sa LVN, na itinuturing na mga klasiko ngayon, hindi kumita kaya maski silang mga artista hirap makabale kay Dona Sisang noong araw.

Hindi ninyo mababago ang kaisipan ng masa kung isandaang taon lang. Dapat tigilan na nila ang kanilang walang katutunguhang mga ambisyon.

Coco pinasisikat ng mga fans na pinaglumaan na artista

Anuman ang sabihin nila tungkol kay Coco Martin, aminin nating ma­rami siyang natutulungang mga artistang kung wala ang kanyang serye ay wala nang career. Ang pinaka huling kinuha nga niya ay si CJ Ramos, na nagumon na sa droga dahil sa kawalan ng pag-asa sa career niya.

Marami ka talagang makikitang mga artista na nabibigyan ng pagkakataon ni Coco na kumita kahit na papaano dahil naisasama niya sa kanyang serye. Nagagawa naman niya iyon dahil sino man ang ilagay mo sa show ay nakakaya ng popularidad noon. Kaya nga sinasabi nga, hanggang nariyan si Coco, buhay ang show kahit na sino pa ilagay mo riyan.

At the same time, iyong humahanga naman sa mga artistang tinutulungan ni Coco na hindi na mabigyan ng pagkakataon sa iba, nanonood naman ngayon ng serye ni Coco. Dagdag audience rin iyon sa kanya na kawalan naman sa iba.

vuukle comment

COCO MARTIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with