^

Pang Movies

Aktor na palamura hindi na binigyan ng chance na magdirek

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ang pagmumura ng aktor ang dahilan kaya ayaw na ayaw na siya na makatrabaho ng production staff ng isang television network.

Bukod sa pag-arte, direktor din noon ng mga television show ang aktor pero dahil sa ugali niya, hindi na siya binibigyan ng mga assignment ng network management.

Nagsumbong kasi ang production staff sa management tungkol sa bullying na nararanasan nila sa aktor na negative ang effect dahil nawawalan sila ng gana na magtrabaho.

Nang mag-imbestiga ang management, napatunayan nila na totoo ang mga sumbong ng production staff dahil mismong ang mga artista na katrabaho ng aktor ang nagsabi na palasigaw at palamura siya sa set.

Napapanood pa rin ang aktor sa TV pero bilang artista na lang at hindi direktor para hindi na niya kontrolado ang production.

Gladys at Christopher may trauma pa sa baha

Apektado ng ilang araw na malakas na pagbuhos ng ulan at pagbaha ang subdivision sa Cainta, Rizal na tinitirhan ng mag-asawang Gladys Reyes at Christopher Roxas.

Pero kahit papaano, thankful sina Gladys at Christopher dahil hindi naulit ang nangyari nang mana­lanta si Typhoon Ondoy sa Metro Manila noong September 2009.

Ni-rescue nina Judy Ann Santos at ­Ryan Agoncillo ang pamilya nina Gladys at Christopher dahil sa malalim na tubig baha sa subdivision na inuuwian nila.

Ang traumatic experience ng mag-asawa noong 2009 ang dahilan kaya na­ging maagap at halos hindi nakatulog sina Gladys at Christopher.

Binantayan nila ang pagbaha at ang posible na pagpasok ng tubig sa loob ng kanilang tahanan. Mabuti na lang, hindi naganap ang pinangangambahan nila na scenario.

Nagiging malala na ang sitwasyon sa Metro Manila sa tuwing may bagyo at habagat dahil sa pag-apaw ng mga tubig.

Ang mga tao rin ang may kasalanan dahil sa kawalan ng disiplina, ang hindi wasto na pagtatapon ng mga basura na bumabara sa mga drainage system, ang hindi pinag-iisipan na construction ng mga establishment at ang walang awa na pagputol sa mga puno.

Marian baby boy ang birthday wish

Nag-celebrate ng birthday si Marian Rivera noong Linggo sa piling ng kanyang pamilya at malalapit na kaibigan sa isang hotel sa Parañaque City.

Memorable kina Dingdong Dantes at Marian ang hotel dahil dito sila tumuloy sa unang gabi nila bilang husband and wife noong December 30, 2014.

Sa birthday celebration niya sa Sunday PinaSaya noong Linggo, hindi sinabi ni Marian ang kanyang birthday wish.

Nagsalita lang siya na alam na ni God ang hinihiling niya kaya kanya-kanya ng hula ang fans. Iniisip nila na another baby at baby boy na ba ang birthday wish ni Marian na tanging si God lang ang makapagbibigay sa kanya?

Direk Xian bibida sa Cinemalaya

Kasali sa 15th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa 2019 ang pelikula ni Xian Lim.

Take note, direktor at hindi artista si Xian sa indie movie na gagawin niya.

Excited na si Xian sa bagong chapter ng buhay niya bilang entertainment personality. Hindi naman siya stranger bilang direktor dahil nakagawa na si Xian ng mga television commercial.

Si Xian ang love interest ni Sarah Geronimo sa Miss Granny at malay natin, baka sa susunod, siya na ang direktor ng mga future movie project ni Sarah?

vuukle comment

XIAN LIM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with