^

Pang Movies

Kevin Kwan at Heart may ginawang libro?!

YUN NA! - Jun Lalin - Pang-masa
Kevin Kwan at Heart may ginawang libro?!
Kevin Kwan at Heart Evangelista

Nakasama ng Crazy Rich Asians book author na si Kevin Kwan si Heart Evangelista sa Paris, France kamakailan kung saan may secret project ang dalawa.

Ayaw pang sabihin ni Kevin kung ano ‘yon, pero in two weeks time raw ay lalabas na rin ang tungkol doon.

Hindi kaya magi­ging co-author si Heart ng isa sa future no­vels ni Kevin? O baka naman naipasok ni Kevin sa isang Hollywood movie si Heart?

Well, dapat abangan kung ano ‘yon!

Raymond na-master na ang pagiging event organizer

Si Raymond Gutierrez ang namahala sa successful Sunnies Face launch sa 8 Rockwell Penthouse noong Wednesday night na isa sa mga may-ari ay ang kaibigan niyang si Georgina Wilson.

Dumating sa event ang bestfriend ni Raymond, ang controversial stylist na si Liz Uy.

Isa sa mga bisita roon ay ang ate ni Raymond na si Ruffa Gutierrez na isinama ang mga anak na sina Lorin at Venice.

Natuwa si Ruffa nang makita si Juliana Gomez, ang unica hija nina Ormoc City Mayor Richard Gomez at Representative Lucy Torres-Gomez. Seventeen na si Juliana at dalagang-dalaga na ang dating niya.

Nandun din ang panganay nina Ogie Alcasid at Michelle van Eimeren na si Leila Alcasid na nakasama nina Ruffa, Lorin at Juliana na nagpa-picture.

“Sobrang successful ng event na ‘yon. Sobrang bumilib ako at ang mga guest kay Mond, kaya next year, siya na ang magpaplano ng birthday party ko.

“Pati Sweet 16 birthday party ni Lorin, si Mond na rin ang bahala,” ang mala-stage ate na dialogue ni Ruffa.

Ang iba pang mga namataan sa event ay ang beauty queens na sina Kylie Verzosa at Rachel Peters.

Yasmien at Mike nag-tricycle nang tumakas

Nag-tricycle lang sina Yasmien Kurdi, Mike Tan, Martin del Rosario at Charee Pineda nang “tumakas”  sa taping ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka para mag-coffee break.

Malapit lang kasi sa taping location nila ang isang kilalang coffee shop, kaya hindi na sila nag-car pa at naisipan na mas masayang sumakay sa tricycle.

Parang celebration na rin daw nila ‘yon dahil palaging panalo sa rating game ang afternoon series nila.

Sa picture na pinost ni Yasmien sa Instagran account niya (@yasmien_kurdi) ay nag-like si Lorna Tolentino.

Isa si LT sa mga bida ng Asintado, ang katapat na series ng Hindi Ko Kayang Iwan Ka sa ABS-CBN.

Eugene malabo nang makabalik sa GMA?!

Isa na sa inaabangang weekend shows ang The Clash ng GMA 7 na iniho-host ni Regine Velasquez-Alcasid.

Parehong nagre-rate ang Saturday at Sunday episodes nila.

Makabalik pa kaya ang Celebrity Bluff ni Eugene Domingo kung ganyang successful ang nasabing singing competition show na The Clash?!

Dahil sa The Clash, parang hindi nami-miss ng viewers ang game show ni Eugene.

Well...

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

KEVIN KWAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with