^

Pang Movies

Dingdong at Marian, sinulit ang day off kasama si Zia

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Dingdong at Marian, sinulit ang day off kasama si Zia
DongYan, kasama si Zia at mga pamangkin

Nag-time out muna sa kani-kanilang work ang mag-asawang Dingdong at Marian Dantes last Saturday at nanood sila ng The Lion King sa The Theatre ng Solaire Resorts & Casino. 

Karay ng mag-asawa ang anak nilang si Zia, si Mommy Amalia ni Marian at mga kapatid at pinsan. Malapit na kasi ang start ng classes kaya naman sinusulit na ng bagets ang bakasyon at ready naman ang mag-asawang Dingdong at Marian na samahan sila.

Kaya raw pala nagmamadaling umalis si Dingdong sa Ayala Feliz mall show para sa promotion nito ng movie nilang Sid & Aya (Not A Love Story) ni Anne Curtis para sa Viva Films na showing na sa Wednesday, May 30 in cinemas nationwide. Nabigyan ito ng PG rating ng MTRCB. Pero tinapos daw naman muna ni Dingdong ang show bago siya umalis.

Kita sa Instagram story ni Dingdong kung gaano kasaya si Zia at mga kasama nilang mga bagets. Post ni Dingdong sa kanyang IG: “Hakuna Matata! The jungle at home will surely be lively for the next couple of days because of the show’s good vibes.”

Ang ibig daw sabihin ng Hakuna Matata ay “no worries, for the rest of your days.”

Kaya tiyak na dala pa rin ng mga bata ang saya sa napanood nila kaya good vibes pa ang mga susunod na araw nila. Based kasi sa IGs ni Dingdong at Marian, nasa kanila ang mga pinsan ni Zia kaya laging masaya sa kanilang bahay.

Totga nakatanggap ng award

Right after natapos ang airing ng romantic-comedy series na The One That Got Away last May 18, saka naman ito tumanggap ng award from the 2018 US Intetnational Film & Video Festival last May 22. Mga lead stars ng romcom sina Dennis Trillo, Lovi Poe, Max Collins at Rhian Ramos

Nag-post agad si Dennis sa kanyang IG ng “The One That Got Away, Silver Screen Awardee for Entertainment: Dramatic Comedy Category.” Ang kanila lamang serye ang nag-iisang tumanggap ng mataas na parangal.

Inday... ni Barbie, ‘di nagpatalo

Second week na ngayon ng Inday Will Always Love You ni Barbie Forteza at thankful siya at ang buong team nila dahil bongga ang pilot week nila na gabi-gabi ay hindi lamang nag-trending, hindi rin sila natalo ng katapat nilang serye.

“Kaya sulit po ang mga taping namin sa Cebu na kahit napakaraming tao palagi ay nakikisama sila kapag take na kami,” sabi ni Barbie. “Nakakatuwa rin po na kapag nag-post ako ng eksena namin sa twitter, nagtu-tweet sila agad at sasabihing napuntahan nila ang lugar na iyon. Para raw namin silang ipinasyal sa iba’t ibang lugar sa Cebu na hindi pa nila napuntahan. Kaya sana po ay huwag kayong bibitiw sa amin gabi-gabi after ng Kambal Karibal.”

vuukle comment

DINGDONG DANTES

MARIAN DANTES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with