^

Pang Movies

Andi environmentalist na!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa
Andi environmentalist na!
Andi

Real trouper si Ms. Jaclyn Jose dahil kahit maysakit, dumalo pa rin siya sa grand launch ng The Cure. Happy siya sa role niya bilang isang doctor na head ng Research and Development Team ng isang pharmaceutical company at siya ang naka-discover ng experimental drug na akala niya ay siyang makakagamot sa cancer pero sa halip, ay naging cause ng nationwide epidemic.

Nakumusta kay Jaclyn ang anak na si Andi Eigenmann, kung totoong ayaw na nitong mag-artista, at sey niya, hindi raw totoo, freelancer na raw ang anak at kung may magandang offer sa kanya, tatanggapin nito.

Nag-mature na raw si Andi at may advocacy bilang isang environmentalist.  Madalas daw itong nasa beach, particularly sa Siargao na gusto nila ng mga kasama niya ay mai-save sa pollution.

Kyline bibigyan na agad ng bagong project

  Pinaglalaban na raw ng fans sina Bianca Umali at Kyline Alcantara ng top-rating na Kambal Karibal ng GMA 7. Si Bianca ay kilala nang mahusay umarte, simula pa nang gumanap na siya sa mga teleserye na ka-loveteam si Miguel Tanfelix.

Sa Kambal Karibal ay bida si Bianca as Crisan at si Kyline ang kontrabida bilang Crisel/Cheska. Pero sa story ngayon, si Bianca na ang kontrabida at si Kyline na ang bida. Kaya ang mga fans nila, kanya-kanya nang manok ngayon at pinagsabong na sila tulad din ng mga eksena nila sa soap.

Gorilla sa The Cure ginastusan

Ipinakilala sa grand launch ng bagong epidemic serye na The Cure, si Tasha, isang gorilla na nang pumasok sa venue, ay sobrang hirap maglakad at kailangan pang alalayan. Siguradong malaki ang nagastos dito ng production dahil hindi siya tulad ni Imaw na ang ulo ay first animatronic puppet.

May tao sa loob ni Tasha, pero ang ulo niya ay completely remote controlled, kaya mahirap itong maglakad, hindi niya nakikita ang dinaraanan niya, dahil nakatungo siya sa loob. 

Thankful si Direk Mark na kahit malaki ang budget nila sa The Cure, pumayag ang management dahil isa na naman itong groundbreaking concept na unang mapapanood sa GMA 7. Nilinaw din ni Direk Mark na hindi ito zombie story na tulad ng una niyang dinirek na Trip Ubusan ang blockbuster movie ng APT Entertainment.

vuukle comment

ANDI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with