Rufa Mae dabyana na agad!

Sa November 25 na ang kasal ng komedyanteng si Rufa Mae Quinto sa kanyang fiancé na si Trevor Magallanes.
Pag-describe ni Rufa Mae ay isang “dream wedding” ang magaganap kaya excited na siya para sa araw na iyon.
“Excited, parang mas masaya, dumoble ang saya, todo happiness!” ngiti pa niya.
Nag-aral pa raw si Rufa Mae na magluto para maluto niya ang mga paborito ng kanyang magiging mister. At kahit na medyo maselan ang pagbubuntis, may mga exercise si Rufa Mae na ginagawa para maging healthy ang kanyang pangangatawan.
“Natuto na ako magluto and still learning how to cook.
“Nagwo-workout din ako parati. Na-bed rest kasi ako hanggang four months. Sa first trimester ko, nag-gain kaagad ako ng 30 lbs., so parang namanas-manas ako. Tendency mo, kain ka rin kasi nang kain.”
Ang pinaka-workout daw ni Rufa Mae ay ang 30-minute brisk walking. Naging malaking tulong daw iyon sa pagkawala ng manas niya.
Kristoffer handang ligawan uli ang parents ni Joyce
Masaya ang Kapuso leading man na si Kristoffer Martin dahil sa magandang ratings na natanggap ng teleserye nila ni Joyce Ching na Hahamakin Ang Lahat.
Kaya naman marami ang nagtatanong kung open na ba ang dalawa na muling magkaroon ng relasyon.
Para naman kay Kristoffer, never daw niyang isinara ang posibilidad na puwede pa silang magkabalikan ni Joyce.
Nagkaroon ng relasyon sina Kristoffer at Joyce noong pagtambalin sila sa teen show na Reel Love Presents Tween Hearts. Dalawang taon din tumagal ang kanilang relasyon. Nag-break sila noong 2014.
“Basta okey lang kay Joyce, lahat naman ay gagawin ko kahit na ‘yung maghintay sa panahon na ready na siya ulit na makipagbalikan,” sabi ni Kristoffer Martin.
Prince Harry gusto nang pakasalan ang American actress na si Meghan Markle
Hindi itinatago ni Prince Harry na siya ay nasa isang seryosong relasyon ngayon.
Inamin ng royal prince sa media na idine-date niya ang actress na si Meghan Markle. Lumalabas si Meghan sa US series na Suits pero isa rin itong Global Ambassador for World Vision. Pareho nga raw sila ng mga interes ni Prince Harry at ito ay ang tumulong sa maraming tao sa iba’t ibang parte ng mundo.
Kumalat na raw sa royal family ang plano ng prinsipe na ma-engage kay Meghan. “It wouldn’t surprise me if he’s already thinking about engagement just because that’s where his head goes but that’s not where the relationship is at right now.
“This is totally Harry. The problem with Harry is when he falls, he falls hard. He goes in big time,” ayon pa sa isang palace source.
Masaya nga raw si Meghan dahil itinuturing niyang special man ng kanyang buhay si Prince Harry.
Sa isang pahayagan sa Canada, sinabi nito na she is “the luckiest girl in the world!”
All-out naman daw ang suporta ng royal family sa relasyon ng dalawa, kasama na rito ang ama ng prinsipe na si Prince Charles na nakilala na si Meghan at nagsabing gustung-gusto niya ito para sa anak.
- Latest


















