^

Pang Movies

Double Barrel ng mga pulis susugod na sa mga TV Network!

TIDBITS SNIPPETS ETC. - Salve V. Asis - Pang-masa

Uy nakatakda na palang makipagkita ang mga opisyales ng Quezon City Police District (QCPD) sa mga executive ng TV networks at iba’t ibang samahan ng mga artista para pa rin sa Project Double Barrel Alpha.

Ayon sa narinig kong interview kay QCPD Director Guillermo Eleazar, mara­ming actor ang kino-consider na high-value targets dahil sa kanilang status.

Nauna nang nanawagan si PNP Chief Bato dela Rosa na magpa-drug test na ang mga artistang pi­nag­dududahan para mas maging ma­a­yos ang proseso ng kanilang pag-turn over kesa iladlad pa ang mga pangalan nila sa publiko.

Zsa Zsa hindi na ipinangangalandakan ang relasyon, problema sa likod bumuti

Pinanindigan ni Zsa Zsa Padilla na hindi na niya isi-share sa social media ang relasyon nila ngayon ng nakabalikan niyang boyfriend na si architect Conrad Onglao.

Makikita sa kanyang Instagram account na lahat ng photo niya ay habang siya ay nasa Korea.

No mention sa kanyang mga picture na may kasama siya.

Pero ang isang nabanggit ni Zsa Zsa ay pareho pala sila ng sakit ni dating Presidente GMA na cervical spondylosis kaya hindi siya puwedeng mag-bag ng malaki. Nakakatulong daw ang pagdadala niya ng magaan para bumuti ang kalagayan niya plus regular PT.

Jadine at Sandara nag-bonding sa Korea

Nagkita-kita sa Korea sina James Reid and Nadine Lustre at ang mga kasama nila at si Sandara Park. Nakita sa IG account ang group photo nila.

Sa Korea nag-birthday si Nadine noong isang araw.

Robin hanggang video call na lang kay Mariel

Obviously, hindi na talaga nakakuha ng US visa si Robin Padilla.

Pero ang tatay at kapatid ng misis niyang si Mariel Rodriguez, handa na umano sa panganganak ng TV host ayon mismo sa actor.

Pulos video conversation ang ginagawa ng mag-asawa na ma­nganganak na any moment.

vuukle comment

TV NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with