^

Pang Movies

Baby Zia at Baby Scarlet, patalbugan sa kakyutan

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Nagpatalbugan ang dalawang celebrity babies na kapwa nagustuhan dahil sa ganda nila, sina Baby Zia nina Dingdong Dantes at Marian Rivera at Baby Scarlet Snow nina Dr. Vicki Belo at Hayden Kho.

Lumutang si Baby Scarlet nitong nakaraang araw matapos aminin nina Hayden at Vicki na ‘anak’ nila ang baby na endorser ng Belo baby products. Nagkataon naman na kinukunan ang unang TV commercial ni Baby Zia para sa Johnson kaya nag-viral din ang photo ni Baby Zia kasama si Marian.

Endorser man ni Belo si Marian, hindi na puwede si Baby Zia dahil baby soap ang una nitong endorsement.

Eh ‘di wow... Pelikula nina Andi at Jaclyn Jose, sampung minutong pinalakpakan sa Cannes

Umani ng sampung minutong palakpakan at standing ovation ang pelikulang Ma’ Rosa sa audience na dumalo sa Cannes Film Festival ayon sa post ng isang netizen. Gawa ni Direk Brilliante Mendoza ang movie na paboritong director sa nasabing festival.

Ayon pa sa post, tumigil lang ang palakpakan nang makaalis na sa screening si Direk Brilliante at ang buong entourage ng production.

Present sa Cannes ang lead actress ng movie na si Jaclyn Jose at Andi Eigenmann, pati na sina Isabel Lopez at Neil Ryan Sese.

Sa pagpunta ni Neil, nagbenta siya ng t-shirts nang sa gayon ay makalikom siya ng panggastos sa biyahe.

As of presstime, wala pang post kung may napagwagian ang Ma’ Rosa.

Gustong bumawi, Louise idini-display ang 24-inch na baywang

Palaban nang talaga si Louise delos Reyes nang ipasilip niya ang kurbada ng kanyang katawan sa Instagram account niya. Seksing-seksi ang Kapuso actress na 24 inches na lang ang waistline, huh!

Ayon kay Louise, she’s not getting any younger. Handa na siya sa mature at daring roles kahit na nga ang bago niyang GMA series na Magkaibang Mundo ay telefantasya.

‘Yun nga lang, no-no pa rin kay Louise ang mag-pose sa FHM dahil baka hindi ito kayanin ng ama niyang pulis, huh!

Pakikiramay at dasal…

Nakikiramay kami sa naulila ng director na si Ding Bolanos. Isang resident director si Ding ng Eat Bulaga pero bago ‘yon ay naging director siya ng show ni Allan K sa TV5.

Sa isang banda, ipagdasal natin ang paggising ng writer-radio co-host ni Cristy Fermin na si Richard Pinlac.

Comatose hanggang ngayon si Richard na nasa Capitol Medical Center dahil sa stroke at mataas na blood pressure. Nangangailangan din siya ng tulong pinansyal bukod sa dasal.

vuukle comment

MAYOR JOSE ESGANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with