^

Pang Movies

Vic babawi kay Vice Ganda sa Pasko

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nalalapit na ang Metro Manila Film Festival (MMFF) kaya’t pasiklaban na naman ang mga promo ng pelikulang kalahok dito. Medyo maingay sa lahat ang My Pabebe Love na pinagbibidahan nina Vic Sotto at AiAi delas Alas na nakakatuwa ang patutsadahan. Never daw kasing papatol si AiAi kay Bossing Vic. Sagot naman nito na tumingin daw sa salamin ang Comedy Queen para malaman niya ang hitsura na ‘di rin daw niya papatusin.

Samantala, tiyak na mababawi na raw ni Vic ang trono kay Vice Ganda na nagpasikat ng mga kakatawang kabaklaang pelikula.

Ewan lang ngayon kung kaya pa rin ni Vice Ganda ang laban dahil naririyan ang pagpapabebe nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Alden kailangan ding alagaan ang katawan, hindi dapat puro raket ang iniisip

Mahirap din ang maghangad na magkaroon ng maraming pera dahil nakakaperwisyo ito. Tulad na lang halimbawa ng nangyari kay Alden Richards na sa sobrang dami ng trabaho nila ni Maine “Yaya Dub” Mendoza sa kalyeserye ng Eat Bulaga ay bumigay na ang katawan.

Sunud-sunod kasi ang taping nila at siksik na siksik ang schedule ng aktor. Maging ang handler nga raw nito ay naospital na rin.

Pati si Wally Bayola nga ay nag-collapse na rin sa set dahil minsan ay inabutan sila sa ulan. Bagamat sinabi nilang ang pagko-collapse ni Wally ay scripted.

Well, ganyan talaga siguro talaga ang buhay sa showbiz. Strike while the iron is hot, pero hinay-hinay lang dahil mahirap ang magkasakit.

vuukle comment

ALDEN RICHARDS

ANG

BOSSING VIC

COMEDY QUEEN

EAT BULAGA

MAINE MENDOZA

METRO MANILA FILM FESTIVAL

MY PABEBE LOVE

QUOT

STRONG

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with