^

Pang Movies

Dawn ibinuko ang tunay na ugali ni Jessy ‘pag nasa trabaho

- Vinia Vivar - Pang-masa

Puring-puri ni Dawn Zulueta si Jessy Mendiola na kasama niya sa seryeng You’re My Home. Say niya ay napaka-professional daw ng young actress and very sweet.

Nang simulan nilang gawin ang serye ay two years ago pa kaya natanong si Dawn kung how’s Jessy noon at ngayon since hindi naman kaila sa lahat ang controversy na pinagdaraanan ng young actress tungkol sa love life and recently nga ay ang airplane incident with Enrique Gil.

“Ngayon, napansin ko lang si Jessy, very serious and very quiet. She likes to sit by herself. Kung kunyari nagpe-prepare lang kaming lahat, parang tahimik lang siya,” pahayag ni Dawn.

Kung sakaling hihingan siya ng advice para kay Jessy, ano kayang maibibigay niya?

“I wouldn’t know what advice to give her until I know kung ano ‘yung pinagdaraanan niya. I only have a hunch but I’m not going to speculate,” she said.

Pero if ever daw na mago-open up si Jessy sa kanya or may gustong itanong sa kanya na kahit anumang bagay, willing daw siya na tulungan ito.

Sa ibang mga bagay ay natanong si Dawn kung hu­mingi ba ng tulong sa kanya ang leading man sa You’re My Home na si Richard Gomez para ikampanya since as we all know ay tatakbong Mayor ng Ormoc City.

“Hindi, hindi naman. I don’t think he needs me,” natatawa niyang sabi.

If ever ay willing ba naman siya?

“I don’t think I can, because I’m going to spend the summer with my family also,” she said.

Ang You’re My Home ay reunion project nina Richard and Dawn after Walang Hanggan. Biro nga niya, kung mananalo si Goma sa eleksyon, tiyak na matagal na naman daw bago sila magkaroon ng project ulit.

Mga artistang kumakandidato kinabibiliban ng isang presidentiable

Hanga ang former TESDA Secretary at ngayon ay tumatakbo bilang Pangulo ng ating bansa na si Boboy Syjuco sa mga artista nating pumapasok sa politika at aniya ay dapat talagang palakpakan.

“It is healthy, it is helpful, it is encouraged at dapat po talagang palakpakan natin ang ating mga members ng showbiz na naglalakas-loob po na ihain ang kanilang sarili para magsilbi sa bayan lalo na po’t alam natin kung gaano kahalaga ang time ng showbiz personality. Isang pitik lang na ganyan ay ang laki na po ng kinikita ng bawat showbiz personality lalo na po ‘yung mga kilalang-kilala na tumatakbo para magsilbi.”

James at Nadine, may bonggang paandar sa OTWOListas

Magpapakilig at magpapatili sa libu-libong OTWOListas ang lead stars ng On the Wings of Love na sina James Reid at Nadine Lustre kasama ang powerhouse cast ng kanilang hit teleserye ngayong ngayong Linggo (Oktubre 25) simula 4PM sa Market! Market! Activity Center para sa On the Wings of Love Spread the Love Tour.

Ang Market! Market! ang unang destinasyon nina James at Nadine kasama ang buong cast ng On the Wings of Love para magpasalamat sa walang humpay na suporta ng kanilang fans na nagtulak para ma-extend at maging consistent top-rating ang kanilang teleserye.

Para makasali ang mga OTWOListas sa selebrasyon, kinakailangan lamang nilang bumili ng kahit anong On the Wings of Love merchandise sa selling booth sa event for a minimum worth of P300 (single or accumulated purchase) para mabigyan ng isang admission ticket sa Activity Center entrance. Ang mga OTWOListas naman na bibili ng OTWOL items na may minimum worth na P1,501 ay bibigyan ng limang admission tickets.

vuukle comment

ACIRC

ACTIVITY CENTER

ANG

ANG MARKET

ANG YOU

BOBOY SYJUCO

DAWN ZULUETA

JESSY

MY HOME

ON THE WINGS OF LOVE

PARA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with