^

Pang Movies

Snooky may pneumonia!

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines – Puring-puri si Snooky Serna ng production staff ng My Faithful Husband.

Isinugod pala sa ospital si Snooky noong Sunday dahil may matinding sakit ang aktres, pero noong madaling araw ng Monday ay lumabas din siya dahil may taping ng nasabing teleserye.

Pagkatapos daw ng taping, bumalik na naman ng ospital si Snooky para ma-monitor ng kanyang mga doctor.

Pneumonia raw ang sakit ni Snooky, pero naagapan naman daw iyon.

Puwede raw magpasabi si Snooky sa mga taga-My Faithful Husband na may sakit siya at hindi makakapag-taping, pero ayaw raw ng aktres na baka magduda ang mga taga-GMA 7 na may drama na naman siya at balik na naman sa dating gawi.

Mismong ang mga taong malalapit nga raw kay Snooky ay nagtataka sa sobrang sipag at pagiging professional ngayon ni Snooky.

“Noon kasi, kapag parang may sakit lang siya, paranoid na kaagad si Snooky at hindi na ‘yan magte-taping, pero ngayon, kahit may sakit talaga, hindi nagrereklamo at gustong magtrabaho. Malaki na talaga ang ipinagbago niya at nakakatuwa,” sabi ng isang taong malapit kay Snooky.

Ang gamot daw ni Snooky ay idinadaan sa IV kapag nasa ospital ito at oral medicine naman ang tine-take niya kapag wala sa ospital.

Sa ngayon daw, may taping na naman si Snooky para sa My Faithful Husband at hindi talaga niya idinadahilan ang sakit para magtamad-tamaran na naman.

Hindi na nga raw bagay kay Snooky ngayon ang paboritong tawag sa kanya na “Pagong”.

Ritz Azul natitipuhan ng Kapamilya?

May tsikang interesado ang ABS-CBN sa TV5 contract star na si Ritz Azul.

Isang dating TV5 executive na nasa Kapamilya network na ang nagpu-push daw kay Ritz para sa isang bagong teleserye ng network.

Tama ba ang rinig ko na hanggang sa January na lang ang contract ni Ritz sa TV5 kaya hindi magkakaroon ng problema kung lilipat man siya sa ABS-CBN?

Ex-politician pinatawad na ang dating young actor na mang-aahas

Hindi maikakaila na nagkaroon ng relasyon ang isang dating young actor sa babaeng dating kinakasama ng isang ex-politician/businessman.

Nahuli ni ex-politician/businessman ang sulat ni dating young actor sa babaeng kinakasama niya noon.

Ang sulat na ‘yon ang ikinagalit ni ex-politician/businessman.

Nakasaad sa sulat ni dating young actor na kailangan nito ng pera at nagpapatulong ito sa babaeng dating kinakasama ni ex-politician/businessman.

Nakarating kaagad sa dating young actor na galit si ex-politician/businessman, kaya kaagad itong umalis ng bansa.

Pero sadyang mapagpatawad si ex-politician/businessman, kaya nang magparating ng paumanhin si dating young actor ay nagpatawad naman si ex-politician/businessman.

vuukle comment

ANG

BUSINESSMAN

DATING

HINDI

KAPAMILYA

MY FAITHFUL HUSBAND

NAMAN

POLITICIAN

RITZ AZUL

SNOOKY

SNOOKY SERNA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with