^

Pang Movies

Lasing na naman daw, SUV ni Baron sumalpok sa truck

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Aksidente naman ang kinasangkutan ng aktor na si Baron Geisler. Ayon sa radio report, sa Pasig nangyari ang aksidente kung saan sumalpok ang mina­manehong SUV sa isang truck.

Siyempre, agad pinaghinalaan na lango sa alak si Baron kaya naaksidente. Agad namang itinanggi ng aktor ang bintang.

Nakakalungkot din dahil nakadikit na sa pangalan ni Baron ang lasing/lango sa alak tuwing nasasangkot siya sa anumang kapahamakan, huh!

Ellen matagal nang naeelya kay Paulo

Napansin ng ilang members ng media ang slight na pambabastos ni Ellen Adarna kay EJ Falcon. Eh, ‘yung aktor, mukhang patay na patay sa kapareha habang ang aktres na kapareha niya sa Pasion de Amor ay may tsismis na patulera sa mga kapareha.

Feeling tuloy ng press, nagsawa na agad si Ellen kay Ejay. Naging image na kasi ng aktres ang papa­lit-palit ng dyowa. Once nagsawa na ay umiiral na ang kanyang pangit na ugali.

Eh sa isang event daw, nakita ni Ellen si Paulo Avelino. Type na type daw nito si Paulo na misteryoso ang dating. Nakagawa raw talaga ang aktres nang paraan upang magkrus ang landas nila ng aktor.

May nakakita sa aktres at guwapong aktor na pasimpleng tumakas sa event. Although sandali lang naman ‘yung pagkawala nila at bumalik sa venue ng okasyon, iba ang naglaro sa utak ng nakaispat sa kanila.

“Naku, basta tipelya mo ang isang tao, hindi na kaila­ngan ng mahabang oras upang magkatikiman, huh! Ano pa ang silbi ng salitang quickie? Ha! Ha! Ha!” sey ng isang writer.

Gay comedian naisahan ng mga staff sa isang programa

Kinawawa ang isang bading na komedyante nang kunin siyang maging guest sa isang programa. Eh, akala ng bading, ‘yung usual na ginagawa niya ang ipagagawa sa kanya dahil ‘yun ang ni-request sa kanya ng staff.

Laking-gulat ng komed­yante nang iba ang pinagawa sa kanya sa rehearsals. Pinabirit siya nang pinabarit eh hindi naman ‘yon ang forte niya.  Kaya naman namaos siya’t nawala ang boses.

So hindi tuloy nakapag-taping ang bading kasi wala siyang boses. Pero laking-gulat niya nang malaman na ginamit ‘yung comedy acts niya na may kasamang pagkanta sa programa.

Eh, tatak pa naman ‘yon ng bading sa bawat perfor­mance niya, huh! Feeling niya, siya ang nagtanim at nagsaing, pero iba ang kumain, huh!

Gladys nagpresentang maging tita ni Yaya Dub

Maging si Gladys Reyes ay hooked sa AlDub phenomenon pati na ang mga kasamahan niya sa MTRCB. Eh, magkakaroon ng summit ang directors at employees ng government office so tinatawagan niya si Malou Choa-Fagar ng TAPE, Inc. upang imbitahan si Yaya Dub o Maine Mendoza na maging guest sa okasyon nila.

Siyempre, tumanggi si Ma’am Malou. Rason niya, hindi pa nagsasalita si Yaya Dub sa Kalye­Serye so paano nila ibibigay ang Dubsmash Queen sa summit. Siyempre, nahimasmasan din si Gladys. Hindi nga naman nila puwedeng i-preempt ang balak ng programa kay Maine.

Humirit uli si Gladys, baka puwede raw siyang lumabas na Tita ni Yaya Dub sa darating na epi­sodes ng KalyeSerye? Natawa na lang si Ma’am Malou sa lambing ng aktres.

Malay natin, magswak din si Gladys sa Kalye­Serye lalo na’t mataray rin ang stance niya. Saka hindi siya gaya ng isang kontrabidang aktres na hindi sumusunod sa script ng programa, huh!

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARON GEISLER

GLADYS

ISANG

KALYE

NIYA

SERYE

SHY

SIYEMPRE

YAYA DUB

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with