^

Pang Movies

At gusto uling sumabak sa pulitika: Senior citizen na singer/comedian masigla dahil sa batam-batang dyowa

Jun Lalin - Pang-masa

MANILA, Philippines - Successful na sa buhay ang singer/comedian, pero hanggang ngayon pala ay hindi pa rin niya nakakalimutan ang pulitika.

Ilang beses na ring naglingkod ang singer/comedian sa lugar nila at dahil nagkakaedad na, marami ang nag-aakalang kinalimutan na niya ang pulitika, pero nagpahinga lang daw siya.

Balak ng singer/comedian na balikan uli ang pulitika sa 2016.

Sa ngayon, maraming nakakapansin na mas masigla ang singer/comedian at sabi nga ng mga kaibigan niya, dahil daw ‘yon sa bagong karelasyon.

Kung ang singer/comedian kasi ay 62 years old na, ang karelasyon niya ay 26 years old naman. Baligtaran nga ang edad nilang dalawa.

 

Miriam aminadong hindi na mukhang buntis

Aminado si Miriam Quiambao na madalas siyang mapagkamalang buntis noon dahil sa malaking puson niya.

“Hahaha. Akala mo ‘di ba noon, buntis ako dahil sa malaking puson ko!” sey ni Miriam.

Overweight daw siya noon ng 28 lbs. hanggang sa magdesisyon siyang mag-workout at diet uli.

In three months, nabawasan ng 20 lbs. ang Miss Universe 1999 first runner-up.

“I still have to lose 8 lbs. to get to my ideal weight of 130 lbs., pero happy ako with my accomplishment so far!” sabi ni Miriam na umabot pala sa weight na 158 lbs.

Bago naging beauty queen, gym instructor si Miriam kaya hindi naman mahirap sa kanya ang pag-e-exercise. Naging busy lang siya noon, kaya naman medyo lumaki.

Maging ang mister niyang si Ardy Roberto raw ay may sinusunod na exercise and diet plans.

“No carbs kami, daming lean protein. ‘Yung carbs namin, kinukuha namin sa vegetables. Imbes na rice, steamed veggies, ‘tapos grilled tuna, salmon, chicken breast. Ang bilis magpapayat,” impormasyon pa ni Miriam.

Sa ngayon, marami ang nakakapansin na hindi lang pumayat si Miriam kundi mukhang masaya na talaga siya. “Happy talaga ako. God is good. He has blessed me with a good husband!” dagdag pa ni Miriam.

 

MVP ibang klase ang konek Wattpad Presents sa HK Disneyland nagsu-shoot

Nasa Hong Kong Disneyland ngayon si Mark Neumann at ilang young stars ng TV5 para sa isang episode ng Wattpad Presents kung saan ay ka-tie-up nila ang nasabing theme park.

Matindi ang international connections ng Kapatid network dahil suportado ito ng iba’t ibang mga kompanya ng businessman na si Mr. Manny V. Pangilinan.

Ang nasabing Wattpad Presents episode ang isa sa mga pinakamalaking upcoming episode ng nasabing weekly series ng TV5.

vuukle comment

ARDY ROBERTO

MARK NEUMANN

MIRIAM

MIRIAM QUIAMBAO

MISS UNIVERSE

MR. MANNY V

NASA HONG KONG DISNEYLAND

WATTPAD PRESENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with