^

Pang Movies

Marian tatlu-tatlo ang babae?!

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Magsisimula na ngayong March ang puspusang trabaho ni Kapuso Primetime Queen Marian Rivera dahil sunud-sunod na ang pagti-taping niya ng The Rich Man’s Daughter starting March 11. Lent season na kasi kaya double time na ang production dahil iginagalang naman nila ang Semana Santa. Ten days ding mawawala si Marian para sa GMA Pinoy TV shows niya sa Canada at USA kaya kailangan niyang magbangko ng mga episode, may pilot week na sila sa first week of May, pagbalik niya.

Natanong namin ang head writer ng new soap sa character na gagampanan ng actress. Marian is Jade Tanchingco, heiress ng very wealthy Filipino-Chinese family na ang holdings ay sa real estate, retail and airline.

Youngest and only daughter, the jewel in the fa­mily, nag-announce ang kanyang rich father na naghahanap siya ng manliligaw kay Jade at handa siyang magbayad ng milyones sa sinumang lalaki na magpapaibig sa kanyang anak.

“Para sa akin, ito na ang pinaka-challenging role to date na gagampanan ko at alam kong mahihi­rapan akong i-portray ang role ni Jade,” sabi ni Ma­rian sa story­con ng movie noon isang araw, kasama ang mga co-stars niya at si Direk Dominic Zapata. “Kaya talagang pinaghahandaan ko at pag-aaralan ang character ni Jade.”

Sino kaya kina Katrina Halili, Glaiza de Castro at Pauleen Luna ang mamahalin ni Jade? Pero sinabi ni Marian na iba’t ibang klase raw ng pag-ibig ang ipakikita nila sa drama series. At sino kina Luis Alandy, Paolo Contis, at Mike Tan ang makapagpapaibig sa kanya? Kasama rin sa cast sina Ms. Gloria Romero, Al Tantay, Glydel Mercado as Jade’s mom, brother niya si TJ Trinidad, Sheena Halili, Charee Pineda, at Tony Mabesa.

Tapos nang i-launch si Marian as the cover of the New Hair Asia mag last Tuesday, nag-taping din siya para Mars nina Camille Prats at Suzi Entrata na mapapanood bukas, March 6 sa GMA News TV, 7:00 p.m. Kasama niya si Boobay at pag-uusapan nila sa show kung ano ang ups and downs sa pagkakaroon ng gay best friend or GBF? Ipakikita ni Marian ang pagluluto niya ng five spice tilapia with ponzu sauce mula sa kanyang personal cookbook.

Thankful naman si Marian dahil kahit hindi pa siya napapanood sa bagong soap, iniri-replay naman ang hinangaang epic drama niyang Amaya sa GMA News TV every day, 8:30 – 9:00 a.m. Maganda pa rin ang texture ng show, parang bagung-bago pa.

Hindi bet sina Albie at Bret Gabby si Jake rin ang gusto para kay Andi

Nagkatawanan sa presscon ng Pari ‘Koy nang kausap si Gabby Eigenmann at natanong siya tungkol sa kapatid na si Andi Eigenmann na sabi’y iniwanan na ang ex-boyfriend na si Brent Jackson at bumalik muli kay Jake Ejercito. Ayon kay Gabby, ayaw na niyang makialam sa lovelife ni Andi dahil may isip na raw ito at hanggang advice na lamang siya.

Pero nang tanungin siya kung sino ang gusto niya between Albie Casiño na tumatangging anak nila ni Andi si Ellie, at Brent, sagot niya, “si Jake.”  Pareho raw sila ni Jaclyn Jose na ayaw sa dalawa. Mas kilala nila si Jake na mabait at magalang sa kanila.

From a priest sa Once Upon a Kiss, isa namang nagkukunwaring mabait pero corrupt na barangay captain si Gabby. Pumayag siyang magkontrabida muli sa best friend na si Dingdong Dantes, si Pari ‘Koy.

vuukle comment

AL TANTAY

ALBIE CASI

ANDI

ANDI EIGENMANN

BRENT JACKSON

BRET GABBY

CAMILLE PRATS

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with