^

Pang Movies

Heart, may chance pang maging ina

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa
Heart, may chance pang maging ina
Heart Evangelista

Nawalan na naman ng pagkakataong ma­ging isang ganap na ina si Heart Evangelista at siya mismo ang nagsabing tumigil sa pagtibok ng puso ang dapat sana ay isang anak niyang lalaki na tinawag niyang Francisko.

Hindi naman masa­sabing nakunan si Heart dahil sumailalim siya sa in vitro fertilization.

Sa kanilang mga naunang check up sinasabi namang kapwa sila may kakayahan ni Senador Chiz Escudero na magkaroon pa ng anak, kaya nga sila isinailalim sa IVF pero hindi naman nagtuloy ang kanilang mga binhi.

Darating din naman siguro sa tamang panahon ang pagkakaroon nila ng anak.

May oras pa naman sila ng mister.

Kung si Dra. Vicki Belo nga nagkaroon pa ng anak kay Hayden Kho, si Heart pa ba?

Dalawang anak ni Robin, pareho na ang kapalaran

Pareho nang hiwalay sa asawa ang dalawang anak na babae ni Robin Padilla. Unang nahiwalay si Kylie Padilla sa kanyang asawang si Aljur Abrenica at tila hindi maganda ang naging paghihiwalay nila.

Ngayon naman inamin na rin ni Queenie, ang panganay ni Robin, na hiwalay na rin siya sa kanyang asawang Pakistani na si Usama Mir pero bagama’t inamin ni Queenie na naghiwalay sila dahil sa mga bagay na hindi nila naayos, sinabi niyang sinikap nilang mapanatili ang kanilang pamilya sa loob ng ilang taon din.

Sana balikan na lang ni Queenie ang kanyang pagiging artista rito sa Pilipinas tulad ni Kylie na aktibo ang career sa kasalukuyan.

Maggie Wilson, sakop ng court protection order sa anak

May isa pang malungkot na kuwento kung kailan Mothers’ day at saka ibinalita ni Maggie Wilson ang malungkot na kuwentong dalawang Pasko, Bagong Taon at dalawang birthday na rin ng kanyang anak na si Connor na hindi niya iyon nakikita.

Wala rin siyang sinasabi sa kanyang social media account tungkol doon. Iyon pala mayroong court protection order na nagbabawal sa kanyang makipagkita sa anak, at binabawalan din siyang magkuwento, o mag-post sa social media tungkol doon hanggang ang kanyang anak ay hindi pa umaabot sa age of maturity.

Ito ay may kinalaman sa paghihiwalay nila ng kanyang asawa at tatay ni Connor na si Victor Consunji. Inakusahan ng kanyang asawa si Maggie ng adultery.

Noong una ay nilalabanan niya iyon pero kailangan siyang tumahimik dahil magiging sub judice na kung magsasalita pa siya sa isang kaso na nasa korte na.

Marami namang nagsasabi na sana mabigyan din ng pagkakataon si Maggie na makita at makasama ang kanyang anak na si Connor na labis na niyang nami-miss, pero ang karapatang iyan ay kailangang ipaglaban pa rin niya sa husgado.

Sunshine, walang naging problema sa mga dalaga

Mukhang kuntento at walang problema si Sunshine Cruz sa kanyang mga anak. Mahusay sa pag-aaral ang tatlo  at walang nagbibigay ng sakit ng ulo, pero pinangangaralan pa rin daw niya ang mga bata lalo na pagdating sa pera.

May pera man sila, hindi sila kailangang maging waldas. Dapat pahalagahan ang kahit na anong mayroon sila.

Maganda naman ang pagpapalaki ni Sunshine sa kanyang mga anak, kaya may respeto rin ang mga iyon sa kanya kaya masasabing naging single parent ang actress.

vuukle comment

HEART EVANGELISTA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with