^

Pang Movies

Mula nang manalo sa Mister International Neil Perez hindi na pinalalabas ng PNP sa mga lansangan

Joe Barameda - Pang-masa

MANILA, Philippines – Personal naming na-meet si Neil Perez, ang bagong Mr. International kung saan idinaos ang coronation night sa Seoul, Korea kumakailan lang. Ito ay naganap sa launching ng Teceruma Spa & Salon na matagal na palang inaalagaan at sinusuportahan si Neil. Isang simple at matikas na lalaki ang imp­resyon namin kay Neil. Dahil sa magandang imahe na naibigay ni Neil sa PNP at sa buong Pilipinas, hindi na ito binibigyan ng active position sa lansangan kundi ginawa na siyang parang Ambassador ng PNP at pinalilibot siya sa iba’t ibang sangay ng Phil. National Police para bigyan ng moral support ang ating kapulisan.

Hindi makapaniwala si Neil nang tawagin siya sa isa sa limang finalist ng Mr. International dahil panghuli siyang tinawag sa Top 10. Natutuwa naman daw sa kanya ang mga kapwa niya kandidato sa Mr. International dahil sa kakisigan niya at kakaibang kulay ng balat. Marami raw nagbunyi sa kanyang mga kapwa Pinoy at Koreano na sumaksi sa Mr. International pageant.

Maja si Gerald lang daw ang nakakapawi ng sakit na nararamdaman pag may period

Kakaiba pala ang menstruation period na nararanasan ni Maja Salvador kumpara sa tatlong araw na nararanasan ng maraming babae. Inaabot ng 2 weeks ang paghihirap ni Maja at madalas daw ay nakararanas siya ng hindi regular na monthly period. Alam naman natin na madalas mainit ang ulo ng isang babae o wala sa mood kapag meron siyang monthly period. Si Maja ay nakuha muli na maging endorser ng locally made sanitary napkin na Sisters.

Pero ang nakakatuwa kay Maja, inamin niyang si Gerald Anderson lamang ang nakakapawi ng kanyang init ng ulo kapag nakikita ito.

Naku lambing at ngiti lang ng Fil-Am ay sapat na para mapawi ang sakit na nararamdaman niya!

Sa kabilang dako ay sobra ang pasasalamat ni Maja kay Lea Salonga sa rami ng papuring ibinibigay sa kanya ng international star. Malaking bagay nga naman ang makatanggap ng maraming papuri mula sa isang Lea Salonga na pinapalakpakan ng buong mundo, huh.                          

vuukle comment

GERALD ANDERSON

LEA SALONGA

MAJA

MAJA SALVADOR

MR. INTERNATIONAL

NATIONAL POLICE

NEIL

NEIL PEREZ

SI MAJA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with