^

Pang Movies

Kris ‘ginantihan’ ng ‘pangalan’ sa social media?!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines -  Withlovekrisaquino na ang bagong username ni Kris Aquino sa kanyang Instagram account. Short-lived lang ang kanyang username na beingkrisaquino. Nakakamaldita effect kasi ang user name na ‘yon and look what happened to her nitong nakaraang araw.

Buti na lang at nakahanap ng kakampi si Kris kay President Manila Mayor Joseph Estrada na humingi ng apology sa sinabi ng anak na si Jerika, huh!

But looks like hindi pa tapos ang brouhaha sa Kuya Noynoy (Aquino) niya. At least ngayon, nakakuha ng kapatid na taga-depensa si P-Noy, huh! Totoo naman kasi na blood is thicker than water, ‘di ba?

Alam ang ugali Lani kampanteng hindi sasapawan ni Regine

Tawang-tawa si Lani Misalucha sa pagiging babaeng bakla ni Regine Velasquez. Muli kasing nagkita ang dalawa nu’ng mag-guest ang huli sa natapos na talent search ni Songbird na Bet ng Bayan.

Magsasama sa Ultimate Valentine concert sina Regine at Lani this Friday and Saturday sa SM Mall of Asia Arena. Hindi man nila aminin, tiyak na pagkukumparahin silang dalawa, pero ayon kay Lani, wala namang sapawan sa kanila ni Reg.

“Marunong magbigay si Regine. Hindi siya ‘yung tipong makikipagtalbugan! Kahit ngayon lang kami nagsama sa isang concert dito, naramdaman ko na ‘yung ugali niyang ‘yon noong magsama kami ng ilang shows sa States,” pahayag ni Lani nang huli naming makausap.

Madalas mang nabibigyan ng trabaho si Lani sa Kapamilya Network, wala naman daw siyang kontrata sa network. Eh, kapag walang tanggap na work dito, meron din siyang mga ibang commitments sa Las Vegas kung saan doon na talaga sila naninirahan kasama ang dalawang anak na babae.

Valentine concert sold out na ang tickets Jennylyn mabentang mabenta na talaga!

Wala mang masyadong publicity ang Valentine concert ni Jennylyn Mercado, halos sold out na raw ang tickets nito.

Masisipag daw magbenta ang producers ng concert ni Jen kaya keri kung wala ng publicity ito.

Ang isa pang Valentine concert na kaabang-abang ay ang Ai Heart Papa ni AiAi delas Alas sa February 12 sa The Theater ng Solaire Resorts & Casino. Hindi man natuloy ang guesting ni Richard Yap sa concert, sina Aljur Abrenica at JC de Vera ang ipinalit sa kanya.

May mystery guest si AiAi sa concert. Hindi man niya tinukoy kung sino ang taong ‘yon, may balitang si James Yap daw ang special guest niya, huh!

Naku, pagdating kay James, harmless ang drama ni AiAi, huh! Ha! Ha! Ha!

 

 

vuukle comment

AI HEART PAPA

ALJUR ABRENICA

CONCERT

FRIDAY AND SATURDAY

JAMES YAP

JENNYLYN MERCADO

KAPAMILYA NETWORK

KRIS AQUINO

LANI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with