^

Pang Movies

Jennylyn iniladlad ang katawan sa kalendaryo!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Si Jennylyn Mercado ang bagong Tanduay calendar girl 2015. Nagkaroon na siya ng bonggang launching na ginanap sa 55 Events Place last Thursday at masayang-masaya ang aktres sa resulta ng kanyang sexy pictorial dahil ang gaganda naman talaga ng mga shot niya at super-sexy pa.  Kung baga sa termino ng mga lalaki, makatulo-laway talaga.

Ayon kay Jen, hindi naman daw siya nahirapang mag­desisyon nang makatanggap siya ng offer mula sa Tanduay Distilleries to be the next ca­lendar girl.

“Bago naman ako umoo, ipinakita naman muna sa akin ‘yung peg. And alam ko naman ‘yung limitations ko, eh. Alam ko naman ‘yung kung hanggang saan lang ako talaga pwede.

“So, sabi ko, why not? Kasi once in a lifetime opportunity so, sabi ko, habang kaya ko pa, habang kaya pa ng katawan and meron pa namang. . .toned pa naman ako kahit paano, sige.”

Two weeks daw niyang pinaghandaan ang sexy pictorial at talagang kinarir daw niya kahit na sabay-sabay din ang kanyang mga ginagawa.

Si Heart Evangelista ang pinalitan ni Jen bilang Tanduay calendar girl at aminado siyang medyo may pressure sa kanya.

Siyempre, parang mahirap sundan ‘yun, eh. Heart Evangelista ‘yun, eh ‘di ba? So, medyo may pressure,” she said.

To which, the press commented, “kaya mas da­ring ka?” na sinagot naman niya ng “hindi. Mas da­ring ba?”

Nagkaisa naman ang lahat sa pagsagot na mas ­daring ang pictorial niya kaysa kay Heart noong nakaraang taon. Pero aniya, hindi naman niya ‘yun naisip.

“Actually, nakakatawa nga, nagpa-autograph pa ako sa kanya (kay Heart) nu’n. Nung lumabas ‘yung mga kalendaryo niya, hu­mingi pa ako ng isa, tapos nagpa-autograph pa ako. Hanggang ngayon, naitago ko pa rin,” kwento ni Jen.

“Alam ni Heart ‘yun, kasi niloloko ko pa siya, “o, pa-autograph”, tapos in-autograph niya talaga,” dagdag pa ng aktres.

When asked kung ano ang reaksyon ng kanyang anak na si Alex Jazz sa kanyang sexy pictorial since lumalaki na rin ito, ani Jen ay wala pa naman daw say ang bagets bilang masyado pa itong bata.

“Masyado pa siyang bata para makapansin ng mga ganyang  bagay. Nga­yon, puro laro lang muna siya, laro, aral, puro ganyan lang muna. Meron pa siyang sariling mundo, so hindi pa niya ako pinakikialaman sa mga trabaho.

“Pero I think darating ‘yung panahon na ‘yun na sasabihin niya, “Mom, no! Don’t do that! Stop!”, gaganyan ‘yan for sure,” say ng aktres.

Good thing, walang boyfriend si Jen nga­yon kaya hindi niya kailangang magpaalam sa mga super-sexy poses na ginawa para sa 2015 calendar ng Tanduay.

TV5 maraming nakalinyang pasabog sa 2015

Sa Christmas Party for the Press ng TV5 na ginanap last Tuesday night, inanunsyo na ng mga Kapatid stars ang mga bagong show nila next year at proud nga nilang say, sa kanila na raw ang 2015 dahil sa magaganda nilang bagong programa.

Kabilang sa mga new program offerings for 2015 ng TV5 ang mga shows na Happy Wife, Happy Life na magtatampok sa asawa at ka-partner sa buhay ng mga sikat na PBA players, What’s the Problem na magiging ‘advice center ng bayan’ sa pangunguna ni Gelli De Belen at Atty. Mel Sta. Maria, Healing Ga­ling nina Dra. Edinel Calvario at Dr. Hayden Kho na magbibigay payo ukol sa mga maaaring lunas sa iba’t ibang karamdaman sa katawan; E5 na mag­hahatid ng mga pinakamainit at pinakabagong happenings sa mundo ng showbiz; at ang Extreme Challenge: Kaya Mo Ba ‘To? na pangungunahan ni Derek Ramsay kasama ang mga pinag-usapang racers ng The Amazing Race Philippines Season 2.

Magsasama naman sa telebisyon for the first time ang Pa­dilla Brothers na sina Robin, Rommel, and BB Gandanghari sa comedy/sitcom na Two and ½ Daddies.

Ang dalawa pang comedy shows nila ay ang Mac and Chiz na pagbibidahan nina Derek at Empoy Marquez, at ang No Harm No Foul tampok si Ogie Alcasid kasama ang mga PBA players na handa nang tumawid sa mundo ng showbiz.

Kasama rin sa 2015 new offerings ng TV5 ang Call Me Papa Jack ng sikat na radio host at love guru na si Papa Jack, ang kakaibang singing search na ­Rising Stars.

Inanunsyo rin ng network na sa kauna-unahang pagkakataon ay magkakaroon sila ng live New Year’s countdown na gaganapin sa Dec. 31 ng gabi at inaanyayahan ang lahat na maki-party mismo sa Quezon Memorial Circle o manood ng live sa kani-kanilang tahanan para salubungin ang bonggang 2015.

vuukle comment

AKO

ALAM

ALEX JAZZ

AMAZING RACE PHILIPPINES SEASON

NAMAN

NIYA

SHY

TANDUAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with