^

Pang Movies

Lorna malaki ang ipinayat!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Ninang si Lorna Tolentino sa dedication kahapon kay Aria, ang panganay na anak nina Elvis Gutierrez at Alexa Uichico.

Ginanap ang dedication sa grand ballroom ng Marco Polo Hotel sa Ortigas Center.

Nagulat ang mga bisita nang makita nila si LT dahil malaki ang ipinayat nito. Eversince naman, maalaga sa katawan si LT kaya hindi niya nararanasan na maging overweight.

Wala nang regular taping si LT dahil natapos na ang My Destiny ng GMA 7 kaya may panahon na siya para sa kanyang apo na si Tori na habang lumalaki, lalong gumaganda at nagi­ging kamukhang-kamukha ng lola niya. Sobra ang pagkahumaling ni LT kay Tori.

Tonton gusto nang magtrabaho

Ninong din si Tonton Gutierrez sa dedication ni Aria. Tulad ni LT, medyo maluwag pa ang schedule ni Tonton dahil sa November 22 pa ang umpisa ng taping niya para sa bagong teleserye ng ABS CBN na pagbibidahan nila nina Richard Gomez at Dawn Zulueta.

Looking forward si Tonton sa taping ng bagong project niya sa ABS CBN dahil ang mga close friend ang kanyang makakatrabaho.

BF ni Ruffa at home na at home na sa pamilya Gutierrez

Ang kanyang boyfriend na si Jordan Mouyal ang date kahapon ni Ruffa Gutierrez sa dedication para sa anak nina Elvis at Alexa.

At home na at home na si Jordan sa mga event ng mga Gutierrez. Parang hindi siya affected ng pagtutol sa kanya ni Annabelle Rama bilang boyfriend ni Ruffa.

Or puwedeng hindi aware si Jordan sa mga litanya ni Bisaya laban sa kanya dahil hindi siya nakakaintindi ng Tagalog.

Si Annabelle lang naman ang hindi boto kay Jordan dahil kasundo ito ng lahat ng mga anak niya.

Ang sabi nga ni Elvis, sanay na siya sa nanay niya.

Hindi na nila sineseryoso ang mga emote ni Annabelle dahil protective lang ito sa kanilang Ate Ruffa.

Dedma rin sila sa tampuhan nina Annabelle at Ruffa dahil sanay na sila sa away-bati ng dala­wa.

Arci Muñoz hindi pa rin kilala

Hindi kilala ng mga empleyado ng Marco Polo Hotel ang sexy star na rumampa, kasama ang kanyang boyfriend na tadtad ng tattoo ang katawan.

Nagtalo pa ang mga empleyado dahil may mga nagpilit na si Jackie Rice ang sexy starlet pero mali ang kanyang hula dahil si Arci Muñoz ang sexy star na hindi nila nakilala at namukhaan.

Hayden and Dr. Belo malabong pakasal

Si Hayden Kho, Jr. ang escort kahapon ni Dra. Vicki Belo sa event ng mga Gutierrez.

May mga kumakalat na tsismis na magpapakasal na ang dalawa pero hindi ako naniniwala dahil may mga dapat na ayu­sin pa si Mama Vicki sa kanyang personal life.

Maniniwala lang ako na ikakasal na ang dalawa kung mismong si Mama Vicki ang magsasabi sa akin.

vuukle comment

ARCI MU

DAHIL

MAMA VICKI

MARCO POLO HOTEL

RUFFA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with