^

Pang Movies

AJ at Rico ‘di rin nalimutan puntod nina FPJ, Daboy at Mang Dolphy dinagsa ng fans!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Dumagsa kahapon ang fans sa libingan ng kanilang mga paboritong artista.

Nangunguna sa listahan si Fernando Poe , Jr. dahil marami sa mga tagahanga niya ang sumaglit, nag-alay ng dasal at nagtirik ng kandila sa puntod niya sa Manila North Cemetery.

Hindi nakalimot ang fans ni Rico Yan na dalawin ang puntod nito sa Manila Memorial Park, kahit 12 years na ang nakalilipas mula nang masawi siya.

Binisita rin ng mga tagahanga ang li­bingan ni AJ Perez.

Siyempre, hindi nawalan ng dalaw ang mga himlayan nina Rudy Fernandez at Mang Dolphy sa Heritage Park. Ang All Saints Day ang bihirang pagkakataon na nasasadya ng fans ang resting place ng mga artista na hinangaan at naging inspirasyon nila.

Hayden Kho hindi nagpatalbog sa mag-inang Belo, starring na rin sa pelikulang Homeless

Ang Belo Medical Clinic ang sponsor ng block screening ng Beauty In A Bottle noong Miyerkules dahil may special participation sa pelikula si Dra. Vicki Belo at ang kanyang anak na si Cristalle.

Bukod sa kanilang guesting sa Beauty In A Bottle, starring sa pelikula ang whitening pill product ng Belo Medical Clinic. Mga endorser din ng beauty clinic ni Mama Vicki sina Tom Rodriguez at Angeline Quinto.

Hindi naman nahirapan sina Mama Vicki at Cristalle sa pag-apir nila sa pelikula dahil as themselves ang kanilang mga role. In short, hindi sila nag-effort sa pag-arte.

Siyempre, hindi nagpatalbog sa mag-inang Belo si Hayden Kho, Jr. dahil starring din ito sa isang indie movie, ang Homeless.

Co-stars ni Hayden sa Homeless sina Snooky at Ejay Falcon.

Nalaman ng mga tao na kasali si Hayden sa movie dahil included siya sa trailer ng indie film na hindi pa tiyak ang play date.

Young actor malamya at baklitang-baklita ang acting

Malamya at parang baklita ang akting ng young actor na matinee idol ang packaging nang mapanood ko siya sa isang te­leserye.

Parang gusto ko nang maniwala sa mga tsismis na baklita rin ang aktor dahil sa kanyang mga kilos at pananalita.

May special appearance ang young actor sa isang pelikula at dito napansin ng moviegoers na habang tumatagal, nagiging malamya ang kanyang mga kilos at pananalita.

True kaya ang tsismis na vaklush ang bagets? Malalaman natin ang the truth and nothing but sa pagdating ng panahon dahil walang puwedeng ilihim sa showbiz.

Darating ang araw na malalantad din ang tunay na sexual preference ng bagets tulad ng nangyari sa ibang mga aktor na pinaghihinalaan ang sexuality noong kasikatan nila. Matindi ang denial ng mga suspect pero nang magkaedad sila, inamin din nila ang katotohanan.
 

vuukle comment

ANG ALL SAINTS DAY

ANG BELO MEDICAL CLINIC

ANGELINE QUINTO

BEAUTY IN A BOTTLE

BELO

BELO MEDICAL CLINIC

HAYDEN KHO

MAMA VICKI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with