^

Pang Movies

Carl at Eula, nagkaka-inlaban na

TSUPPATID - Letty Celi - Pang-masa

True kaya yung tsismis at usapan ng grupo ng ilang tsufatid na may namumuong bagong love team, ‘di lamang pang-showbiz, in real life pa? Sino pa ang bagong love team na ito kundi sina Carl Guevarra at Eula Caballero, ang mga bida sa first episode ng mga love story sa mini-series ng TV5, ang Wattpad Presents: Almost A Cinderella Story na napapanood Lunes hanggang Biyernes, 7:30 ng gabi. Kasunod ito ng isa pang top rating show ng Kapatid, ang The Ama­zing Race Philippines 2 hosted by Derek Ramsay. Sabagay, tao lang si Carl at tipong bohemyo nga, pero silent type. Sino ba namang ang hindi mai-in love kay Eula, e maganda kahit saang anggulo sipatin, mabait, malambing, at brainy pa. Wika nga, she can talk anything under the sun. Ganoon! Kainis lang kasi nang magkaroon ng pocket interview ang TV5 para kina Carl, Eula, at sa dalawa pang talent na sina Chris Lorenzo (Artista Academy Scholar) at Jayvhoy Galang (Talentadong Pinoy Discovery), e, halatang naiilang sa isa’t isa ang binata at dalaga. Pero sabi nila ‘di rin mangyayaring ma-develop sila dahil career first bago love raw ang motto ng dalawa. Motto? Spell!

Jhayvoy ibinuko sina Carl at Eula

Ang laki ng suwerte nina Chris Lorenzo at Jayvhoy Galang. Napakaartistahin ang looks si Chris, tall, flawless, at super handsome, magaling pang umarte. Si Jhayvhoy naman ay isang true blood na bading, magaling kumanta, birit voice, at stage performer! Okay ang role nila sa Wattpad Presents: Almost a Cinderella Story, sabi ni Jayvhoy sa amin na pabulong lang, very sweet sa isa’t isa sina Carl at Eula. Parang wala silang nakikita sa set ng taping ng Almost A Cinderella Story.

Tulfo Brothers sa kanilang ina lang natatakot

Sayang at ‘di namin nakausap ang pamoso at isa sa Tulfo Brothers na si Erwin Tulfo ng TV5 ng mga news program na Aksyon at T3 Reload. Supposed to be ay ka-lunch namin sa isang resto sa Galleria si Erwin. Grabe na ang magkakapatid na T3 na sina Erwin, Raffy Tulfo, at Ben  Tulfo. Super sa pagka-busy sa mga programang assigned sa kanila sa Kapatid Network. Pero siyempre happy sila dahil sa malaking tiwala ng network sa kakayahan nila sa ilalim ng boss nilang, si Ms. Luchi Cruz-Valdez, head ng News and Public Affairs. All out din ang pasalamat nila sa maraming tumatangkilik sa kanilang programa. Nagpapasalamat din sila sa mga nagagalit sa kanila at nagbabanta sa buhay nila. Wala silang kinatatakutan, kundi ang kanilang ina.

Isang fund-raising event para sa San Lazaro Hospital

Nag-aanyaya sa lahat, member man o hindi ang OASIS of Love Community sa kanilang big event na Move As One Oasis Presents palarong Oasis, sa October 25, Sabado, mula ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon sa MOWELFUND Plaza, #66 Rosario Drive, Cubao, Quezon City. Registration fee is P100 lamang. Ang host ay si Janelle Lazo Lee, Mutya ng Davao 2012 at ABS-CBN talent. Ang beneficiary ng said event ay ang pediatrics ward ng San Lazaro Hospital. Maraming papremyo ang mapapanalunan kaya join na kayo, let us move as one. God bless us all!

 

vuukle comment

ALMOST A CINDERELLA STORY

ARTISTA ACADEMY SCHOLAR

CARL GUEVARRA

CHRIS LORENZO

CINDERELLA STORY

EULA

JAYVHOY GALANG

SAN LAZARO HOSPITAL

TULFO BROTHERS

WATTPAD PRESENTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with