^

Pang Movies

Jason kinabahan kay Direk Eric

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Masuwerte si Jason Abalos, ididirek siya ni Direk Eric Reyes, isa sa mga hinahangaang movie director ngayon sa ABS-CBN.

Nagtapos sa University of the Philippines at taga-Guimba, Nueva Ecija si Direk Eric at nagkataon na taga-Nueva Ecija rin si Jason (taga-Pantabangan).

Bihirang mangyari sa showbiz ang magkababayan na nagkakasama sa iisang trabaho katulad nito. No wonder, super kaba ang nararamdaman ng aktor na huling nabigyan ng magandang project noon sa Eva Fonda.

Sa teleseryeng Two Wives ipakikita ni Jason na puwede rin siyang ihanay sa ilan sa magagaling na actor ng ABS-CBN.

Kuwento ni Jason, super cool magdirek si Direk Eric. Hindi siya naha-high blood kapag nagkakamali sa ilang eksena ang mga artista niya. Metikuloso pa si Direk sa bawat eksena niya.

Sid nasasapawan si Tom sa aktingan!

Mabuti na lang, malapit na matapos ang My Destiny, ang teleserye na humahataw sa GMA 7 ngayon.

Mapapansin kasi, umaariba ang akting ni Sid Lucero at halos lamunin niya sa eksena si Tom Rodriguez. Knowing Sid, talagang magaling umarte ang anak ni Bing Pimentel at Mark Gil.

Samantala sa serye, kasalanan ni Carla Abellana kung bakit siya nagpakasal kay Sid gayung mahal pa pala niya si Tom. Nagwawala tuloy si Sid sa sobrang selos kapag nag-uusap ang dalawa. Maging si Kuh Ledesma nga ay umaakting na rin kapag magkakaharap sila. Magkabagay nga talaga sina Alessandra de Rossi at Sid Lucero na parehong bonggang umarte.

Mariel pinaglalapit sina Binoe at Vina?!

Si Mariel Rodriguez mismo ang nag-suggest na si Vina Morales ang kunin para makapareho ni Robin Padilla sa pelikulang Andres Bonifacio. So walang dapat ikaselos ang una. Bagay kasi kay Vina ang role. At may pruweba na sa takilya ang tambalan ng dalawa.

Samantala, sumisikat uli ang TV5 kapag araw ng Linggo dahil sa Talentadong Pinoy ni Binoe.

Minsan ay may naaksidenteng contestant at naawa si Robin. Noong pilian na kung sino ang mga mananalo, pinili siya ni Binoe dahil magaling itong mag-perform. Kung hindi man nakapasa sa ibang judges, pinapanalo niya ito dahil may karapatang manalo ang contestant. ‘Yung ibang judges kasi, humuhula lang kung sino ba ang dapat manalo. It’s unfair, para sa mga contestant na magaling.

Rita may book signing na rin sa probinsya

Ngayong Sunday, nakatakdang mag-book signing ang aktres na si Rita Avila para sa kanyang librong may titulong Ang Hindi Nakikitang Pakpak, sa SM Pampanga. Naging mabenta ang naturang libro kaya’t hinihiling na ilibot ito sa mga karatig-bayan ng Maynila. Malaki ang pasasalamat ni Rita sa mga tumangkilik ng libro niya about Mimay, Popoy, at Pony.                                    

vuukle comment

ANDRES BONIFACIO

ANG HINDI NAKIKITANG PAKPAK

BING PIMENTEL

CARLA ABELLANA

DIREK ERIC

NUEVA ECIJA

SID

SID LUCERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with