^

Pang Movies

Actor-host, nakahanap ng magbabayad sa nabanggang motorsiklo

#INTRIGA PA MORE - Jun Nardo - Pang-masa

Basta nakakita ng guwapong lalaki, lumalabas ang pagkagalante ng isang actor-host! Gagatusan niya talaga ito para matikman!

Nasagi ng isang nagmo-motor ang mamahaling sasakyan ni actor-host. Napansin niyang guwapo ang sakay ng  motor.

Sa halip na magalit, si host pa ang nag-offer na ipagawa ang nabangga sa motor! Siyempre, natuwa si rider at wala na siyang gastos!

Ang catch? Sa bahay ng host kukunin ang ipinaayos na motor!

Siyempre, knows na  ninyo ang kapalit ng inayos na motor, huh!

Dekada Awards, dinaluhan nga taga-industriya!

Impressive ang pagbabalik ng Golden Screen Awards ng Multi Media Press Society o MMPRESS.

Namahagi ng Dekada Awards ang MMPRESS sa mga artista, directors at producers na malaki ang naimbag sa movie industry sa loob ng maraming taon.

Almost complete ang honorees sa Best Actor – Piolo Pascual, Dennis Trillo, Allen Dizon, John Arcilla, Noel Trinida, at Vince Tanada. Absent sina Aga  Muhlach, Daniel Padilla, Paolo Ballesteros, at Elijah Canlas.

Present sa Best Actress Dekada Awardees sina Charo Santos, Maricel Soriano, Judy Ann Santos, Max Eigenman, Charlie Dizon, at Marian Rivera.

Dumalo naman sa Best Director si Lav Diaz at sa Dekada Producers ay sina Keith Monteverde ng Regal Films; Vincent del Rosario ng Viva Films, at ang representative ng Star Cinema.

Nagsilbing hosts sina Konsehal Angelu Rivera at ang actress turned singer na si Gladys Reyes.

Of course, ang statement of the night ay mula kay Dennis na dahil dalawa ang kanyang Dekada trophy eh nagbitiw ng, “Sayang hindi ko dala ang bag ko!” na famous statement niya after Patrick Garcia’s tell all kay Ogie Diaz.

Ang mahalaga, nagpugay si Dennis sa asawang si Jennylyn Mercado na todo-suporta sa kanya!

Hindi naman makapaniwala ang stage at film actor, director, producer, at lawyer na si Vince Tanada na napabilang siya sa Dekada honorees  ng Golden Screen Awards ng MMPRESS.

Nahirang si Vince na best actor sa movie na Katips na ayon sa kanya eh napunta lahat ng kinita niya sa movie.

Ayon kay Vince, isang malaking pelikula ang gagawin niya pero ayaw muna niyang sabihin ang detalye.

Basta sa ngayon, patuloy niyang ililibot ang stage play na Rizal 3000 sa probinsya!

Congratulations, Vince!

 

MOTORCYCLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with