^

Pang Movies

AiAi nagwala sa naantalang pera para sa anak!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kalmado na si AiAi delas Alas sa post niya sa kanyang Instagram account kahapon ng umaga. Pero nu’ng madaling-araw habang ka-text ang anak na si Sophia, umalma si AiAi dahil hindi pa natatanggap ng anak ang advance birthday gift niya na ipinadala thru Western Union.

Ang dami-dami raw requirements bago makuha ni Sophia ang regalo sa branch ng remittance center sa Amerika. Umiral ang pagiging ina ni AiAi kaya sa mensahe niya sa IG, nanawagan siya sa mga boss ng kumpanya.

Rason ni AiAi, hindi naman sumobra sa maximum limit sa datung na required sa remittance center ang  ipinadala niya. Halagang 2K US dollars ito pero pinahihirapan pa ang anak. Eh, nagbayad naman si AiAi ng kaukulang fee sa datung na pinadala, so takang-taka siya kung bakit natatagalan itong makuha ng anak, huh!

Madaling-araw nang i-post ni AiAi ang hinaing niyang ‘yon. Pero before lunch, may saya na sa post niya dahil sa ibinigay sa kanyang iba’t ibang klase ng tinapay.

Back to shooting na rin kasi ang komed­yana ng movie niya with Kim Chiu at Xian Lim na Past Tense kaya ayaw niyang ma-stress pa dahil sa sakit ng ulo na binigay sa kanya ng Western Union, huh!

James Blanco nakakaikot sa mga network

Kabilib din itong si James Blanco, huh! Aba, after mapanood sa Kapamilya shows, heto at sa GMA afternoon drama na Yagit naman siya nakasalang, huh!

Para tuloy siyang social butterfly na nalilibot ang tatlong network, huh! There was a time na natikman din niyang gumawa ng shows sa TV5.

Bagong version ito ng Mga Batang Yagit na nilikha nina Eddie Ilarde at Jose Miranda Cruz. Kaya naman mga bagong bata rin ang in-audition ng GMA para sa series na idinidirek ni Gina Alajar.

Amy Perez pababasbasan na sa simbahan ang pagsasama nila ni Carlo Castillo

Inihayag ni Amy Perez na magpapakasal na sila ng live in partner niyang si Carlo Castillo after 15 years ng pagsasama. Wala na kasing balakid sa unang kasal niya sa singer na si Brix Ferraris kaya gusto na ng host-actress na magkaroon ng basbas ng simbahan ang pagsasama nila ni Carlo.

May anak na sina Amy at Carlo. Obvious na naging maingat muna si Amy sa pagpasok sa bagong relasyon upang hindi matulad ang bagong relasyon sa unang asawa.

Hindi kaguwapuhang aktor, nang-iisnab na porke ‘nagka-career’

Feeling sikat na rin ang isang hindi naman kaguwapuhang aktor. Nakita ng ilang press sa isang showbiz event ang aktor. Pero dinaanan-daanan lang daw sila ng aktor at hindi man lang binigyan ng tingin.

Eh, knows ng mga bading na writers ang panahon na struggling pa ang actor. Nagpapa-booking ito  sa mga ba­ding upang magkaroon ng datung na pantustos sa sari­ling luho.

Pero nang may magtiyaga sa kanyang talent manager, nagkaroon naman siya ng sunud-sunod na work. May mga alaga kasing sikat ang manager kaya nasasama siya sa shows na kinabibilangan ng mga kilalang alaga.

Pero kahit napapanood na sa iba’t ibang programa, waley pa ring dating ang aktor! Mukha rin kasi siyang “hipon,” huh!                        

vuukle comment

AMY PEREZ

BRIX FERRARIS

CARLO CASTILLO

EDDIE ILARDE

JAMES BLANCO

PERO

WESTERN UNION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with