^

Pang Movies

Babalik din agad, Boyet masayang lumipad pa-U.S.

STARTALK - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Lumipad uli si Christopher de Leon sa San Francisco dahil aayu­sin niya ang bahay na tutuluyan ng kanyang anak na si Miguel kapag na-discharge na ito mula sa ospital.

Masaya si Boyet nang umalis siya sa Pilipinas noong Sabado dahil positive news ang nakarating sa kanya mula sa misis niya na si Sandy Andolong.

Ikinuwento ni Sandy na lumalakas na si Miguel at maganda ang response ng katawan nito sa che­motherapy.

Walang duda ang mag-asawa na gagaling si Miguel dahil mataas nga ang survival rate ng testicular cancer patients.

Hindi magtatagal si Boyet sa Sanfo dahil kailangan siya sa taping ng Ikaw Lamang. Thankful si Boyet dahil pinayagan siya ng mga bossing ng Ikaw Lamang para lumipad sa U.S. at bisitahin ang anak nila ni Sandy.

Anak ni Gabby na si Cloie biglang nawala sa eksena

Kahapon ang birthday ni Conrad Onglao, ang boyfriend ni Zsa Zsa Padilla.

Hindi nakalimutan ni Zsa Zsa na batiin sa ASAP ang love of her life. I’m sure, very happy si Conrad dahil kasama nito sa kanyang kaarawan ang babae na nagpapatibok sa puso niya.

Kung hindi ako nagkakamali, kahapon din ang birthday ni Cloie Syquia, ang anak ni Gabby Concepcion kay Jenny Syquia.

Twenty years-old na si Cloie dahil 1994 nang isilang siya ni Jenny sa Cardinal Santos Medical Center. Hindi ko puwedeng makalimutan ang birth year ni Cloie dahil sa mga nangyari sa buhay ko noong taon na ‘yon.

Teka, ano na nga ba ang nangyari sa career ni Cloie? Pumirma siya noon ng exclusive contract sa Viva Artists Agency pero wala nang narinig mula sa kanya pagkatapos ng contract signing. Sabay sila ni Jenny na pumirma ng contract sa VAA pero wala na rin tayong nabalitaan tungkol sa ex-wife ni Gabby.

Alam ko na bumalik si Cloie sa Sweden pero hindi malinaw kung babalik pa siya sa Pilipinas para subukan ang kapalaran niya sa showbiz.

Boy miss na miss na ng mga loyal televiewers

Get well soon kay Boy Abunda na miss na miss na ng loyal viewers ng kanyang mga TV show sa ABS-CBN.

Extended ang pagbabakasyon ni Boy pero well-deserved niya na magpahinga dahil ang sipag-sipag niya.

Nakakabilib ang stamina ni Boy na minsan lang kung magpahinga dahil sa rami ng kanyang mga ginagawa. Sure ako na maraming kuwento si Boy sa pagbabalik niya sa showbiz.

Throwback songs kakantahin ni Ogie sa birthday concert next week

Next week na ang Throwback Thursday, ang birthday concert ni Ogie Alcasid sa Music Museum.

Handang-handa na si Ogie sa birthday show nito sa August 28 dahil napag-aralan na niya ang lahat ng mga kakantahin.

Ngayon pa lamang ire-reveal ni Ogie ang mga special guest niya sa Throwback Thursday. Mga special guest na may kinalaman sa kanyang buhay at career.

Mga sikat na kanta noong ‘80s ang mga kakantahin ni Ogie sa Throwback Thursday kaya tiyak na marami ang makaka-relate. In fairness sa ‘80s songs, kinakanta sila ng present generation, kahit tanungin n’yo pa ang mga bagets na favorite ang mga kanta nina Madonna, Barry Manilow, at ng ibang local singers na namayagpag noon ang mga singing career.

Startalk waging-wagi sa bagong timeslot!

Maraming salamat sa lahat ng nanood ng Startalk noong Sabado dahi mataas ang rating ng aming show na inilipat sa ibang timeslot.

Base sa live ratings noong Sabado, winner ang Startalk dahil tinalo nito ang mga kalaban na programa.

 

vuukle comment

BOYET

CLOIE

DAHIL

IKAW LAMANG

MIGUEL

NIYA

OGIE

THROWBACK THURSDAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with