^

Pang Movies

KC excited sa bagong buhay

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Bagong chapter ng buhay ang feeling ni KC Concepcion ngayong kasama siya sa cast ng Book 2 ng Ikaw Lamang nina Coco Martin at Kim Chui.

Matapos kasing gawin ni KC ang Alyas Boy Golden kung saan nananalo siya ng best actress award, ilang buwan din siyang nanatili sa Amerika upang mag-aral na may kasama na ring bakasyon. Dahil sa tagal nang pananatili ng aktres, hayun at natsismis siyang buntis, huh!

Wala namang tiyan na lumaki kay KC pagbalik niya sa bansa. In fact, mas kinarir niyang mag-work out upang mapanatili ang ganda ng muscles at katawan. Habang wala pang trabaho, ang makipag-bonding sa mga kapa­tid, ina na si Sharon Cuneta, at lola na si Mommy Elaine ang ginawa niya.

Nakabuti rin ang pangalawang best actress award niya sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) upang pag-ibayuhin ang pag-arte.  So ready, willing, and able na naman si KC na manggugulo sa relasyon nina Coco at Kim sa pangalawang aklat ng Kapamilya teleserye.

Matteo Idinetalye ang relasyon nila ni Sarah

Follow your heart ang naging advice ni Matteo Guidicelli kay Sarah Geronimo bago niya sagutin ang aktor para maging boyfriend.

Marami nga ang kinilig kay Matteo sa interview niya sa The Buzz last Sunday tungkol sa relasyon nila ng Pop Princess. Ngayon lang kasi umamin si Sarah at labis na ikinatuwa ‘yon ng aktor.

Umaayaw na magkaroon ng showbiz boyfriend si Sarah hangga’t maaari. Pero ta­nging si Matteo lamang ang nakapagkumbinse sa kanya at ngayon nga, the rest is history.

Sa parte naman ng mga magulang ni Sa­rah, naiintindihan ni Matteo ang pagiging protective nila sa girlfriend. Kaya naman nan­doon ang respeto niya sa parents ng singer-actress na so far, wala pa namang bayolenteng reaksyon sa boyfriend ng anak.

Mas mauungkat pa ang iba pang detalye ng relasyon ni Matteo kay Sarah dahil matatanong at matatanong ito sa pagharap niya sa media kaugnay ng promotions ng Regal mo­vie niyang Somebody to Love.

Judy Ann iiwan pansamantala ang mga baby, mga ikakasal muna ang tututukan

Hindi muna ang second season ng Bet on Your Baby ang nakatokang gagawin ni Judy Ann Santos sa Channel 2. Ang bagong realiserye na I Do ang sentro ng bagong trabaho ngayon ng aktres bilang host.

Sa nasabing programa, hindi lang host kundi member din ng council ang isa pa sa papel ni Juday kung saan kasama niya ang experts sa love, marriage, at relationships na sina Pia Acevedo at psychologist, marriage counselor na si Dr. Julian Montano.

Siyam na couple ang mapipiling contestants na titira sa tinatawag na I Do Village. Hiwalay ang babae sa lalaki pero may challenges na may kinalaman sa relasyon ang gagawin nila.

Ang mananalong couple sa pamamagitan ng public voting ay may premyo na P1M, house and lot at ang dream wedding na gusto nila.

Magsisilbing co-host ni Judy Ann ang comedian na si Jayson Gainza at ngayong buwan na ito eere na sigu­radong hindi ma­kakatapat ng Ismol Family ni Ryan Agoncillo sa GMA dahil ayaw na nilang mag-asawa na maglalaban ang kani-kanilang prog­rama, huh!

 

vuukle comment

ALYAS BOY GOLDEN

COCO MARTIN

DR. JULIAN MONTANO

FILIPINO ACADEMY OF MOVIE ARTS AND SCIENCES

I DO

JUDY ANN

MATTEO

NIYA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with