^

Pang Movies

LJ at Benjamin may something na?

Rodel Lugo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Kahit malakas ang buhos ng ulan noong Lunes, dinumog pa rin ng tao ang Gala ng pelikula ng napakagaling na si Direk Mike Tuviera. Entry nito ang The Janitor sa Director’s Showcase Category ng Cinemalaya X.

Hindi ko lang nakatabi sa upuan kundi nakasikuhan pa ang Kapuso aktor na si Benjamin Alves sa Gala Night ng pelikula. Late dumating ang hunk actor at nagsimula na ang pelikula nina Dennis Trillo, Alex Medina, Nicco Manalo na anak ni Jose Manalo, at Richard Gomez na nasa likurang upuan ko lamang. Na-sight din at pinagkaguluhan ng mga tao si Cong. Lucy Torres-Gomez para suportahan ang mister bago pa man magsimula ang palabas.

Magkasama namang dumating ang couple na sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban na hindi suplada dahil pinansin ang fans na bumati sa kanya. Hindi kaya nagselos si John Lloyd dahil ex-dyowa ng kanyang current GF na si Angelica si Derek na kasama sa pelikula? O baka naman kaya magkasama ang dalawa dahil bantay-sarado ng aktor si Angelica?

Halos kumpleto lahat ng major cast sa Gala na ipinrisinta ni Direk Mike. Bago nagsimula umakyat sa stage sina Dennis, Richard, Derek Ramsay, Nicco, Alex at naggagandahang sina Sunshine Garcia at LJ Reyes na gumanap na asawa ni Dennis sa pelikula. Hindi nakarating si Ricky Davao dahil may ibang commitment daw ito.

Kakaiba ang twist ng istorya ng The Janitor na hango sa isang bank robbery-massacre noong 2008. Malaki talaga ang tsansa na magkaroon ito ng award. Nakakakaba ang bawat eksena na pananabikan mo talaga. Napakaga­ling ng pag-arte ni Dennis na talagang pinaghandaan ang movie.

Maganda rin ang eksena ng bugbugan nila ni Derek. May nakakagulat namang eksena si Sunshine na talaga namang magpapataas ng dugo ng mga kalalakihan. Masasabing wala talagang itatapong eksena sa pelikula ni Direk Mike. Napakahusay lahat ng pagkakagawa.

Naalala ko lang bigla, si LJ kaya ang sinuportahan ni Benjamin sa pelikula? Kapansin-pansin kasi sa post nito sa kanyang Twitter account na “#TheJanitor *clap* *clap* *clap* @OfficialLjReyes”. Close friends lang kaya sila o may namumuo nang magandang pagtitinginan sa dalawa? Why not, hiwalay naman na si LJ sa ama ng anak nito na si Paulo Avelino at bagay ang dalawa. Go go go Benjamin!                                     

vuukle comment

ALEX MEDINA

ANGELICA PANGANIBAN

BENJAMIN ALVES

CINEMALAYA X

DENNIS TRILLO

DEREK

DEREK RAMSAY

DIREK MIKE

DIREK MIKE TUVIERA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with