^

Pang Movies

Paulo ayaw na talagang pag-usapan si LJ

YSTAR - Baby E - Pang-masa

In fairness kay Paulo Avelino, no matter how much you try na magsalita o kaya mag-comment siya tungkol sa kanyang former girlfriend and mom of his only son (Aki), si LJ Reyes, ay hindi mo magagawa.

Obvious na para kay Paulo, wala siyang hangaring sana maging ‘‘bukas pa ang kahapon.’’ Although, he enjoys much daw working on his ongoing series, Sana Bukas Pa Ang Kahapon, kung saan nakikipagtagisan siya ng talent with Bea Alonzo na dineklarang bagong movie queen.

But it isn’t easy working daw with Bea. Now with Susan Roces, who herself, was considered Movie Queen in her time. Kahit daw with Dina Bonnevie at Maricar Reyes, na siyang madalas niyang makasama sa mga eksena niya sa kasalukuyan, and, of course, si Tonton Gutierrez, ang gagaling daw ng mga ito.

He looks forward sa supposed encounter with Albert Martinez, na siyang ‘di umano may alam na kanyang pagkatao sa serye! Isang lihim na kahit ang kanyang lola (ginagampanan ni Anita Linda) ay ‘di nababanggit sa kanya.

‘‘Sir, Albert,’’ ani Paolo, ‘‘is one of the actors that I look up to.’’

Directing Sana Bukas Pa Ang Kahapon are Je­rome Pobocan at Trina Dayrit. 

Daniel in love na kay Vickie

Obvious na matindi ang crush ng former “ele­vator girl” na si Cheridel (Alejandro) sa fellow housemate niya sa loob ng Bahay Ni Kuya in the ongoing Pinoy Big Brother (PBB) All In Edition sa Brazilian hunk Daniel Matsunaga.

Ganunpaman, tanggap niyang all eyes ito kay Vickie, another boarder ni Kuya from Negros Occidental, although ‘di makaporma, dahil alam niyang taken na ang dalaga.

As we all know, yes, including Vickie’s fellow boarders, boyfriend nito ang actor na si Jason Abalos. ‘Di nga ba at dinalaw pa siya ng binata sa loob ng Bahay ni Kuya?

Sayang nga lang at ‘di nagkaroon ng pagka­kataon ang dalawa to demonstrate how much they love each other, since nataon ang dalaw ni Jason sa task na ibinigay ni Kuya sa kanyang mga boarders to ‘‘keep still.’’

But is he willing to wait? Obvious na pambubuska ni Cheridel kay Daniel na ‘di sinagot ng binata.

Sometime back if you recall, Daniel was linked to GMA 7 talent Heart Evangelista. Magkasama pa nga nilang pinasyalan ang mga magulang ni Da­niel sa Brazil.

But of course, we all know now, kung sino ang one and only ni Heart.

Heart and Senator Chiz Escudero are currently in Europe for a vacation. We heard, that they will do a side trip to the U.S. enroute home.

Cheridel pinasasaya ang Bahay ni Kuya

Of Cheridel, in fairness to her din, ‘di niya inililihim na may asawa na siya.

There’s no doubt, na ang pagpasok ni Cheridel sa bahay ni Kuya, ay naka-add para kahit papaano ay maging masaya ang mga boarder, lalo pa nga at pakaunti nang pakaunti sila, dahil linggu-linggo ngang nag-e-evict si Kuya.

Kung sabagay, we heard na hanggang August na lang magla-last ang reality show.

Michelle Gumabao sasabak na sa showbiz

Balak palang sundan ng recent PBB All In evictee na si Michelle Gumabao ang yapak (sa showbiz) ng kanyang amang si Dennis Roldan at nakababatang kapatid na si Marco Gumabao, a mainstay of the ABS-CBN afternoon show, Luv U.

Kilala bilang top volleyball player from De la Salle University, inamin ni Michelle na marami siyang natutunan kay Big Bro­ther mismo at sa kanyang fellow boarders, while she was inside Kuya’s house. Tiyak daw makatutulong ito sa pag-venture niya sa showbiz, which she hopes will be soon.

Samantala, balik-TV ang ama ni Mi­chelle na si Dennis (real name: Mitchelle Gumabao), via the GMA 7 series, My Destiny.

Nakababatang brother si Dennis, na isang certified Pastor na ngayon, ng aktres na si Isabel Rivas.

 

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

ALL IN

ALL IN EDITION

ANITA LINDA

BAHAY NI KUYA

CHERIDEL

KUYA

MICHELLE GUMABAO

VICKIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with