^

Pang Movies

Winter season ang type Richard at Sarah sa Europe magpapakasal

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa Europe ang plano nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na magpakasal ayon sa interview sa kanila ni Ricky Lo sa Startalk. Winter season nila gustong mangyari ‘yon para malamig.

Pero wala pa silang plano kung kelan mangyayari ‘yon. One at a time muna ang drama ng mag-partner lalo na nga’t one-year-old na ang kanilang Baby Zion.

Sa totoo lang, tatay na tatay na ang dating ng pananalita ni Chard, huh! Nadagdagan ang maturity niya sa pagkakaroon ng anak. At bakas na bakas ang sobrang pagmamahal kay Sarah, huh!

Matapos ang mahabang listahan ng gf, Mark tumino nang magkaanak

Ang haba pala ng listahan ng naging girlfriend ni Mark Herras na artista, huh! Pito, huh! May hindi pa nga isinali sa listahan. Ibinuking ang listahan na ‘yon sa segment ni Manay Lolit sa Startalk kahapon.

 â€˜Yun nga lang, ang kinasadlakan niyang maging ina ng kanyang anak na si Ada ay hindi artista. Pero mula nang lumabas ang anak, naging matino na raw ang aktor.

Habang wala pang regular na programa sa GMA, ang paghahanda sa pagrampa sa Cosmo ang focus ni Mark ngayon bukod sa pagkakaroon ng mas mahabang oras para sa anak.

Siya nga pala, kung maayos ang mga damit ni Manay Lolit sa Startalk, dahil ‘yon sa E Boutique kung saan sponsor niya ito sa damit na pawang ga­ling sa Tate, huh! Friend kasi ni Manay ang owners na sina Cris dela Cruz at Carol Ngo. Matatagpuan ito sa 780 Banawe St., Barangay Siena, QC.

 Regine ginutom sa concert sa LA

Umaapaw ang tao sa Shrine Auditorium sa Los Angeles, California para sa unang leg ng Freedom Con­cert Tour last Friday. Ginutom nga si Regine Velasquez after ng concert kaya naghanap agad siya ng pagkain.

Bukod kay Regine, na­ging bahagi rin ng LA concert sina Marian Rivera, Ogie Alcasid, Alden Ri­chards, Allan K, Jonalyn Viray at Giselle Sanchez. Ang next stop nila kahapon ay sa San Francisco Auditorium at ngayong araw na ito ay sa Las Vegas.

Next weekend ay sa San Diego at Hawaii ang kasunod nilang shows.

Ipinagdarasal na hindi patulan ng guwapong aktor tv exec madaling ma-in love

Kinakabahan ang nakakikilala sa network executive na palaging nakadikit sa isang guwapong aktor. May tendency kasing ma-in love ang executive sa mga lalaking nadidikitan niya.

Nangyari kasi ‘yan nang madikit ang executive sa isang baguhang male singer. Nagawan niya ng paraan na magkaroon ng break ang vocalist ng grupo pero nagkadebelopan sila, huh!

‘Yun nga lang, nauwi rin sa hiwalayan ang relasyon nila dahil sa hindi magandang pangyayari sa executive.

Eh, ngayong super-dikit ang executive sa aktor, may nagdarasal na huwag naman sanang patulan ng aktor ang executive!

vuukle comment

ALDEN RI

ALLAN K

BABY ZION

BANAWE ST.

BARANGAY SIENA

CAROL NGO

E BOUTIQUE

MANAY LOLIT

STARTALK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with