^

Pang Movies

Alaga ni Rita niregaluhan ng teddy bear ni JC

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasorpresa ang magaling na aktres na si Rita Avila noong regaluhan ni JC de Vera ng cute na teddy bear ang pamoso niyang anak-anakang Baby Doll na si Mimay. Napaka-thoughtful daw ng binata dahil nabalitaan nitong may collections siya ng mga doll at niregaluhan nga si Mimay. Mabuti pa si Mimay, may poging actor na nakaaalalang magregalo ng teddy bear.

Malapit nang matapos ang teleseryeng Innamorata at masaya siya na naihatid na naman niya sa tagumpay ang isang newcomer na binigyang mag-solo, si Max Collins. Nakatutuwa, nagkatuluyan sa istorya sina Max at Dion Ignacio na magkakabata sa Innamorata. Hindi ikinahiya ni Dion na mahalin si Max sa kabila nang sakit nito sa balat. Mabait na anak daw si Dion, dahil ipinagpagawa ng bahay ang kanyang mga magulang sa kanilang bayan sa Siniloan, Laguna.

Naging malapit din ang loob ni Rita kina Max at Dion sa set habang nagti-taping sa Antipolo.

May panibagong librong isinulat si Rita para uli sa mga bata. Nagpamigay na siya ng libreng libro noon na para sa mga batang biktima ng Yolanda. Nagsilbing libangan daw ito ng mga batang sinalanta ng bagyo.

Matteo masuwerte kay Sarah

Masuwerte si Matteo Guidicelli, dahil panalo ito sa puso ni Sarah Geronimo. Ang daming nanliligaw sa dalaga, pero si Matteo lang yata ang nakapasa. It’s about time namang umibig na si Sarah dahil mag-27 years old na siya. Pero teka, totoo kaya ang tsika, nakabantay pa rin daw si Mommy Divine sa anak? Naku, parang ang hirap yata nang ganun. Nakaka-conscious.

Barbie dapat magpapayat para mas bumagay sa karakter ng bagong serye

Mukhang totoo ang tsismis, sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio na ngayon. Halata silang very sweet sa taping ng The Half Sisters kasama si Thea Tolentino. Nahalata na namin minsan ‘yun sa shooting ng Full Moon sa Sta. Maria, Bulacan. Bagay kay Barbie ang role na api-apihin, kayang-kaya niyang dalhin kaya lang sana medyo magpapayat siya ng kaunti para magmukha siya lalong kawawa sa naturang teleserye.  

Akting at kaseksihan ni Jackie pasado kay direk Joel 

Sa grupong Starstruck noon, pinakaseksi looking si Jackie Rice. Maganda talaga at hindi produkto ng retoke family, mestiza talaga from Olongapo City. Marami na ding teleserye at pelikulang nasamahan si Jackie kaya may ibubuga na rin siya sa aktingan.

Kabang-kaba nga ang dalaga sa bago nitong movie, kasi si Joel Lamangan ang direktor niya, ang Kamkam.

Mistulang bininyagan siya ni Allen Dizon sa pagganap ng daring scenes, sa naturang movie. Knowing Allen, talaga namang kakabahan ka kapag kaeksena na siya. Wala kasing peke-pekeng halik kay Allen.

Mabuti naman pasado ang dalaga kay Direk Lamangan. Napansin nga ni direk, may akting ang naturang Starstruck star! Isa pang nakaeksena ni Jackie sa daring scenes ay ang newcomer na si Kerbie Zamora. Sa totoo lang, bagay sila ni Kerbie. Kaso may karelasyon si Jackie.

               

 

vuukle comment

ALLEN DIZON

BABY DOLL

BARBIE

BARBIE FORTEZA

DERRICK MONASTERIO

DION

DION IGNACIO

MIMAY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with