^

Pang Movies

Young actress tsugi dahil sobrang reklamadora

FREELANCER - Emy Abuan Bautista - Pang-masa

Hindi kami magtataka kung bakit napag-iwanan na ang young actress ng mga kasabayang artista.

Ayon sa tsika ng aking source, masyado kasing mapili sa proyekto ang aktres at maselan sa pagpili ng karakter na gagampanan. May inalok ditong proyekto kung saan magiging markado ang role bilang isang batang ina na may anak na. Tinanggihan ang proyekto dahil katwiran bata pa siya para magkaroon ng anak gayung nasa early 20’s na naman ito. Masyado ring mareklamo kaya ang ending inalis na lang siya sa proyekto.

Magaling naman siyang umarte kaya lang mapili sa role kaya tuloy hindi umaabante ang career niya.

Alwyn pumayag na namang maging bading

Malaki ang naitulong ng Beki Boxer kay Alwyn Uytingco dahil sa mahusay na paglalarawan ng karakter na ginampanan. Kaya naman kasama ito sa bagong TV series na JasMINE na tatampukan ni Jasmine Curtis sa TV5.

Ibang atake sa gay role ang gagampanan ng aktor bilang gay blogger na kaibigan ni Jasmine na isang sikat na artista.

Okey lang kay Alwyn na malinya sa gay role dahil may dumarating na offers. Nakasisiguro naman ito sa kanyang pagkalalaki dahil matagal na ang relasyon nila ni Jennica Garcia bilang magnobyo.

Malaki ang pasasalamat nito sa TV5 dahil sunud-sunod ang kanyang mga proyekto kung saan itinuturing na suwerte sa kanya ang pagiging Beki Boxer. Mainstay pa rin ang aktor sa Tropa Mo Ko Unli.

Angelika gusto namang maka-babae

Malaki-laki na ang anak ni Angelika dela Cruz pero hindi pa ito nasusundan. Gusto niyang magkaanak naman ng babae.

Napanood namin siya sa Kambal Sirena at ‘di nagbabago ang ganda bilang si Arowana na isang reyna ng karagatan at lola ni Allona. Kahit nadagdagan ng timbang, mukha pa rin siyang bata. Wala kasi itong problema sa kanyang asawa at masaya sa buhay-pamilya.

Kahit pagod sa taping ay may panahon pa rin ito sa pamilya at nakakapag-bonding kapag hindi abala sa commitment.

vuukle comment

ALWYN

ALWYN UYTINGCO

ANGELIKA

BEKI BOXER

JASMINE CURTIS

JENNICA GARCIA

KAHIT

KAMBAL SIRENA

MALAKI

TROPA MO KO UNLI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with