^

Pang Movies

Palaban na si Sarah – Coco

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Consistent si Coco Martin sa pagsasabing dalaga na kaya seksi si Sarah Geronimo na kapareha niya sa movie na Maybe This Time. May dagdag pa nga siyang description sa Pop Star – palaban, huh!

Buti nga at isinama na sa trailer ng movie ang pagtataray ni Sarah kay Ruffa matapos siyang tarayan, huh! Ramdam na ramdam ang galit ni Sarah sa eksenang ‘yon!

Tama lang namang maging palaban sa buhay si Sarah dahil hindi na siya bumabata. Hindi naman forever ‘yung pakyut niya sa pelikula pati na sa tunay na buhay.

Siyempre pa, ia-associate ang palaban din ngayon ni Sarah sa pag-ibig. Maligaya kaya ang aura ngayon ni Sarah, ‘di ba?

Love team nina Gerald at Kim, hindi na tinitilian

Hindi na bakas ang kilig factor sa dating love team/lovers na sina Kim Chiu at Gerald Anderson.  Wala nang spark ‘yon kahit nagsama pa sila sa isang TV commercial.

Eh, nu’ng rumampa sa ASAP sina Kim Chiu at Xian Lim, todo ang hiyawan ng mga tao sa studio, huh! Dati-rati, ang fans ng Kim-Ge love team ang buhay na buhay sa pagtili sa kanila!

Buti na lang at hindi pinagsabay sa pagrampa sina Gerald at Maja Salvador dahil baka ma-boo pa sila ng mga loyalists ni Kim, huh! Mas piniling isama si Gerald sa co-star niya sa Dyesebel na si Sam Milby.

Miguel sisintensyahan na

Judgment day ngayon para sa teen actor na si Miguel Tanfelix na bida sa GMA series na Niño. New versus old stars ang labanan komo nga bagito ang GMA actor kumpara sa bida sa Dyesebel.

Pero hindi muna lalabas si Miguel sa mga unang episodes. Ang kuwento muna ng lumabas na magulang niyang sina Katrina Halili at Tom Rodriguez ang mapapanood. Short-lived lang ang role ni Tom sa programa dahil papatayin siya ni Jay Manalo.

Ang Niño rin bale ang comeback series ni Jay Manalo sa GMA matapos tumalon sa Kapatid Network. Ayon sa aktor, per programa lang ang kontrata niya sa Kapuso Network at walang isyu sa Kapatid Network ang paggawa niya ng Niño.

Dahil sa biro, male celeb natalakan ng kaibigang aktor sa harap ng maraming tao!

Tinalakan ng isang male celeb ang isang kasamahan sa trabaho dahil hindi nito nagustuhan ang biro na ginawa sa harapan ng mga tao.

Magkaibigan naman ang dalawang male celeb at madalas magbiruan. Inintindi na lang daw ng natalakang celeb ang inasal ng kasamahan dahil baka bad mood siya nang magbiro.

 

vuukle comment

ANG NI

BUTI

COCO MARTIN

DYESEBEL

GERALD ANDERSON

JAY MANALO

KAPATID NETWORK

KIM CHIU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with