Aktor na dugyot dahil sa bisyo, hindi pa binibitawan ng fans!
Iba ang epekto ng masamang bisyong ginawa ng aktor na hanggang ngayon eh nabibigyan pa rin ng oportunidad sa showbiz!
Nawala na ang aktor na galing sa showbiz clan. Pero nakabalik pa rin. Pero hindi na siya masyadong fresh!
Pati nga pagsasalita ng aktor eh parang naapektuhan. May sinasabi pero mahirap intindihin! Hindi naman utal!
Wala kaming alam kung may bisyo pa ang aktor. Eh kung nakaka-deliver naman, bakit hindi bigyan ng work!
In fact, pinagtitiwalaan pa rin ang kanyang drawing power sa takilya, huh! Sana man lang eh gawing malinis ang sarili ng aktor!
Para siyang maduming tingnan at nawala na ang kakisigan niya!
Pero isang batang may laban si aktor na gifted!
Wilbert, aprubado ni Mario Maurer!
Personal na nagbigay ng endorsement ang Thai actor na si Mario Maurer na panoorin ang Philippine adaptation ng Pee Mak movie na pinagbidahan ng Thai actor ang original version.
Binati rin ni Mario ang bidang si Wilbert Ross kaya naman hindi mapagsidlan ang katuwaan niya.
Sa isang pahayag, gustong ma-meet ni Wilbert si Mario dahil high school pa lang siya eh napanood na niya ang ginawang movie nito na Crazy Little Thing Called Love at Pee Mak.
Take note na maging si Vice Ganda eh tumutulong sa promotions ng Pee Mak nina Wilbert at Bea Binene, huh!
- Latest
























