^

Pang Movies

AiAi bagong modelo ng pampasikip ng keps!

Jun Nardo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Mayora ang tatakbuhing posisyon ni AiAi de las Alas sa 2016 elections. Kinumpirma sa amin ito sa text ni AiAi sa amin. Sa post niya sa kanyang I­nstagram kasi last Tuesday, agad siyang nagpare­histro bilang utos ng Comelec. Sa registration slip ng komedyana, ipinagmalaki niya sa kanyang bayan sa Calatagan, Batangas kung saan siya boboto.

Nu’ng huli naming makausap si AiAi tungkol sa pagpasok niya sa pulitika nang kunin siyang host ng event ng PEP, wala pa siyang tiyak na posisyon. Sa text niya sa amin, kinumpirma niya na mayora ng bayan ang target niya. Very Ate Vi (Santos-Recto) na nu’ng magdesisyong pasukin ang pulitika, mayora ng Lipa City ang tinumbok niya and the rest is history!

Ibinalita rin namin kay AiAi sa nasagap namin na siya ang kinuhang modelo ni Dr. Vicki Belo sa bago niyang treatment na Pussykip o femme lift.

“Tama! Pasabog!” tugon ni AiAi sa text namin “May mga pasabog ang lola mo!” dagdag niya at tinawag namin siyang Miss Pussykip!

“Hahahaha! Kakatawa. Ang sikip ng pek____ ko na nga papasikipin pa pucha walang makakapasok dito!” nakakatawang text uli ni AiAi sa amin.

Sundot namin, ilan na ba ang pumasok diyan? Hayaan mo para madami pa ang maakit sa ‘yo! Ha! Ha! Ha!

“Tama! Ha! Ha! Ha! No comment kung ilan! Ha! Ha! Ha!” text back ng komedyana sa amin.

Humingi ako ng permiso na itatanong ko ‘yon sa presscon.

“Oo, cge. Tapos magmamalinis ako! Ha! Ha! Ha!” biro niya sa amin.

Ay, ang Pussykip o femme lift, “landscape” ang tawag sa showbiz at may kinalaman ito sa pagpapasikip ng keps lalo na sa babaeng nanganak na ng normal, huh!

At least malakas ang loob ni AiAi maging mo­delo ng bagong machine sa clinic ni Dr. Vicki, huh!

Pelikulang Tom-Carla imbitado sa International Film Fest sa Amerika

Kuntento na si Mother Lily sa opening day gross ng Carla Abellana-Tom Rodriguez movie na So It’s You.

“Good for the category of Regal but not Star Cinema but happy na ako!” text ni Mother sa amin. Palibhasa mostly GMA stars ang bida sa movie kaya naman mas lamang ang trailers at guestings ng mga artista sa GMA Network.

Todo rin kasi ang pagmamalaki ng Regal producer sa Jun Lana movie. Una na nga, Graded A ng Cinema Evaluation Board ang pelikula. Walang babayarang tax ang producer.

“Nagbalik din ang memories ko sa mga love team noon nina Nida Blanca at Nestor de Villa. Kinikilig ako. Now ko lang uli na-feel ‘yon! Ang sarap!” rason ni Mother matapos mapanood ang movie sa premiere night.

Ibinalita naman ni Roselle Monteverde sa amin na invited ang SIY sa darating na 5th SOHO International Film Festival sa New York City sa Mayo 15-22. Ipinadala ang invitation sa kanya ni Sibyl Raymundo-Santiago, ang Executive Director at Head of Programming ng festival.

Anthony at David enjoy magpakita ng mga bukol

Basketball ang unang hilig ng kambal na sina Anthony at David Semerad. 

Pero hindi sila nakaligtas sa mga mata ng TV producers, designers, at commercial agents, kaya naman umingay na rin ang pangalan ng dalawang Fil-Aussie.

Ngayon nga ay endorser na rin sina David at Anthony ng Cosmo Cee na isang Vitamin C, mula sa isa sa produkto ng Bargn Farmaceutici Phils. Co. (BFPC) nina Niño Bautista at Red Gatus. Malaking tulong daw ang produkto sa kanila lalo na’t hindi lang basketball ang mundo nila ngayon.

Bentahe rin kasi nina David at Anthony ang maganda nilang katawan. Enjoy na rin kasi sila sa showbiz lalo na’t co-host sila ni Lucy Torres Gomez sa Celebrity Dance Battle ng TV5.

Enjoy silang ipakita ang kanilang abs at bukol base sa pictorials nila sa Bench, huh!

“Why not, ‘di ba? Ha! Ha! Ha!” sagot ni David.

 â€œOkey lang. That’s for Bench Body. We worked hard for it!” sabi ni Anthony.

Totoo ba ‘yung bukol o dinoktor?

 â€œTrue! True! Ha! Ha! Ha!” sabay nilang tugon.

Who is crooked?

“Ha! Ha! Ha! Wala, wala!” sey ni David. “Secret!” ani naman ni Anthony. “Where did that come from?” tanong sa amin ni David.

Pagdating sa love life, girlfriend ni David si Gwen Ruais na dating runner up sa Miss World habang single and ready to mingle naman ang drama ni Anthony. Varsity players pa rin ng San Beda ang dalawa at handa rin silang pumasok sa PBA once matapos ang schooling nila.

vuukle comment

AIAI

AMIN

ANTHONY

BARGN FARMACEUTICI PHILS

BENCH BODY

CARLA ABELLANA-TOM RODRIGUEZ

DAVID

NIYA

RIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with