^

Pang Movies

Lola ni Deniece banned na sa taguig!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Banned na si Flo­rencia Cornejo sa lahat ng hearing ng Vhong Na­varro case sa Taguig Metropolitan Trial Court.

Si Florencia ang  lola ni Deniece na gumawa ng eksena sa korte noong Martes nang magkrus ang landas nila ni Vhong.

Tumalak si Florencia dahil sinabihan niya na heartless si Vhong.

Poker faced si Vhong sa drama ng eksenadorang lola ni Deniece. Tama ang naging attitude ni Vhong dahil hindi siya pumatol sa nakatatanda sa kanya.

At talo si Vhong kung pinatulan niya si Florencia dahil tiyak na lalong mag-iingay ito. Chance na niya na magkaroon uli ng moment sa TV.

Puwede sa pelikula ni Chito Roño…

Hindi nakatulong ang pagtalak kay Vhong ng lola ni Deniece.

Lalong naging nega ang maglola sa paningin ng publiko na binabantayan ang bawat kilos nila.

Okey na sana ang pa-low profile na acting ni Florencia pero wiz niya nakontrol ang sarili.

Ang sabi nga ng mga mahadera, pang-Chito Roño movie ang performance ng lola ni Deniece na sinagot ng manager ni Vhong ng “contrabidang lola.”

Kambal na sina David at Anthony bagong Cosmo Cee endorsers

Talagang pinag-aksayahan ng panahon nina Red Gatus at Niño Bautista ang AVP ng Cosmo Cee, ang Vitamin C na ipino-promote ng kambal na sina David at Anthony Semerad.

Sina Red at Niño ang big boss ng kompanya na manufacturer ng Cosmo Cee

Ang Semerad twins ang pinili nina Niño at Red na celebrity endorsers ng Cosmo Cee dahil sa kanilang wholesome image.

Kilala na sina David at Anthony ng fans dahil mga popular basketball player sila at sa mga billboard ng Cosmo Cee sa Watsons.

Venus freeze I-endorse ni Marian

Belo endorser na rin si Marian Rivera at ngayon ang formal introduction sa kanya ni Dra. Vicki Belo bilang newest Belo baby.

Ang Laser Hair Removal at Venus Freeze ang  mga procedure ng Belo Medical Clinic na ipino-promote ni Marian.

Huwag n’yo na akong tanungin tungkol sa Venus Freeze dahil bago ito sa pandinig ko. Ngayon ko pa lang malalaman mula kay Mama Vicki ang mga bagay-bagay tungkol sa Venus Freeze.

PLDT may bagong produkto

Sa sobrang init ng panahon kahapon, umuwi agad ako sa bahay kaya hindi ko na pinuntahan ang presscon ng PLDT para sa kanilang bagong produkto na tinawag nila na Tote Amaze.

Bukas ko na lang ikukuwento sa inyo ang buong detalye tungkol sa bagong campaign ng PLDT dahil sigurado na ipadadala sa akin ang mga impormasyon na mahahalaga.

vuukle comment

CHITO RO

COSMO CEE

DENIECE

FLORENCIA

VENUS FREEZE

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with