^

Pang Movies

Dating sexy actress nakitang nakapulupot sa mas batang afam na boyfriend ng bestfriend

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Nakitang ka-date ng isang former sexy actress ang isang foreigner sa isang kilalang bar sa Bonifacio Global City.

Nang usisain ang dating sexy actress, sinabi nito na kaibigan lang daw ang naturang foreigner ng kanyang best friend at pinakiusapan siyang ipasyal ito dahil marami itong ginagawa ngayon.

Pero nagdududa ang aming source dahil kung humawak sa braso ng afam ang dating sexy actress ay para itong dyowa niya.

“Bakit naman pinagkakatiwala sa babaeng ‘yan ang boyfriend ng best friend niya? May reputasyon ang babaeng ‘yan na mang-aagaw ng boyfriend nang may boyfriend, ‘di ba?

 â€œIn fairness, guwapo ang afam at mukhang mas bata sa kanya. Si dating sexy actress kasi, hindi na kasing ganda noon. Kaya para silang magtiya,” tawa pa ng source namin.

Matagal ding nanahimik ang dating sexy actress simula noong magkagulo sila ng kanyang dating ka-live in partner na iniwan siya at bumalik sa kanyang pamilya.

Malaki ang agwat ng edad ni dating sexy actress sa dati niyang ka-live-in. Kaya marami silang hindi napagkakasunduan.

Since matagal na silang naghiwalay, nakahanap na siya nang ibang makakasama sa buhay.

Kaya naman ang bagets na afam na kasama nito kamakailan ay ang sinasabing lover boy daw niya.

“Mabuti naman at bagets ang napili niya. ‘Yung dating ka-live in niya, gurang na tapos may pamilya pa. Eh ‘di mistress lang siya nito.

 â€œSana lumigaya na siya sa lalake niya ngayon. Kahit na mas bata sa kanya, sana mag-work out.

“Magpakatino na sana ang babaeng ‘yan. Marami na siyang sinayang sa buhay niya.

 â€œMagsimula na siya ulit dahil tumatanda na siya at ilang years na lang ay matrona na ang dating niya,” diin pa ng aming source.

Sasabak na uli sa pelikula,

KC Montero excited na uling umarte

Muling susubukan ni KC Montero ang maging aktor at kasama siya sa sequel ng The Aswang Chronicles na Kubot.

Ang first and only movie na ginawa ni KC ay isang Judy Ann Santos movie titled Pakisabi Na Lang...Mahal Ko Siya noong 2002 pa.

Though impressive ang acting debut na iyon ni KC, mas nag-concentrate na lang siya bilang TV and radio host.

Pero noong i-offer sa kanya ni Direk Erik Matti ang isang role sa Kubot, hindi raw siya nakahindi.

 â€œWhen they presented the offer, ‘KC, may movie ka na.’ Sabi ko, ‘Ano?’ ‘May movie ka na.’ And they told me the role.

“I’ve been offered movies before, but parang hindi naman bagay sa akin. Actually, movies in general is not bagay sa akin.

 â€œBut this one, it’s a fun role and with my friends, Belle (Isabelle Daza) and Dingdong (Dantes).

 â€œPlus, I’m working with the legendary Erik Matti, how do you turn that down?

 â€œAfter I read it, it’s not drama for me. I don’t have to cry. I’m not really a sad person so it’s hard for me to get into that emotion. So, tama ‘yong role sa akin,” ngiti pa ni KC.

Promise ni KC na magiging serious siya sa project na ito dahil 12 years ago pa noong una niyang subukan ang umarte.

Lupita Nyong’o hinirang na pinakamagandang babae ng 2014

Ang Oscar winner na si Lupita Nyong’o ang siyang napili ng People magazine bilang Most Beautiful Woman of 2014.

Isang breakout star ang 31-year old Mexican-Kenyan actress na umani nang maraming parangal para sa performance niya sa pelikulang 12 Years A Slave.

Overwhelmed nga si Lupita dahil kahilera na niya ang mga tinanghal na Most Beautiful Women na sina Gwyneth Paltrow (2013), Beyoncé Knowles (2012) at Jennifer Lopez (2011).

Pinanganak sa Mexico si Lupita at lumaki siya sa Kenya. Noong lumalaki siya ay hindi raw niya kinu-consider na “beautiful” ang hitsura niya dahil iba raw ang mga babaeng napapanood niya sa TV na may light skin with long, flowing, straight hair.

 â€œSubconsciously you start to appreciate those things more than what you possess. When I have been called beautiful with not one drop of makeup on. And also before I comb my hair or put on a pretty dress. Happiness is the most important thing.”

Dahil sa naiibang ganda ni Lupita, kinuha siya bilang brand ambassador ng beauty brand na Lancome.

vuukle comment

ACTRESS

AFTER I

DATING

KAYA

LUPITA

LUPITA NYONG

NIYA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with