^

Pang Movies

Kampo ni Deniece iniimpluwensiyahan ang prosecutor’s office?!

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

May mga kumakalat na text message na ginagawa ng kampo ni Vhong Navarro ang lahat para maimpluwensiyahan o maging pabor sa kanila ang magiging resulta ng rape case na isinampa ni Deniece Cornejo sa Taguig Prosecutor’s Office laban sa TV host/comedian.

Mariing pinabulaanan ng kampo ni Vhong ang balita dahil wala silang kakayahan na impluwensiyahan ang Taguig City Prosecutor’s Office.

Naka-schedule sa April 25 ang preliminary investigation ng second rape case laban kay Vhong na inihain ni Deniece.

Michela supporting lang sa drama ni Kris kung dumating sa party ni Bimby

Nabigo ang TV crew na naghintay sa pagdating ni Michela Cazzola sa birthday party ni James “Bimby” Yap, Jr. noong Martes.

Hoping pa naman ang mga TV reporter na makausap nila ang Italian girlfriend ni James na invited sa seventh birthday party ni Bimby.

Si James lamang ang umapir sa party at siyempre, hindi siya nakatanggi nang interbyuhin para sa morning show ng kanyang ex-wife.

Naging madrama ang eksena dahil cry me a river si Kris habang nagbabalik-tanaw sa nakaraan nila ni James.

Isipin ninyo ang scenario kung sumabit si Michela kay James sa party ni Bimby? Magiging out of place siya dahil sa awkward situation. Kumbaga sa isang pelikula, si Kris ang lead actress at supporting actress lamang si Michela. Kung ikukumpara naman sa isang awards night, si Kris ang best actress winner at umuwing luhaan si Michela!                                       

BB at Carmina nagkrus ang landas sa party

Naging big deal na ang muntik na pagkikita nina BB Gandanghari at Carmina Villaroel sa debut party ni Kathryn Bernardo.

Eh ano naman kung nagkita ang dalawa eh may pinagsamahan naman sila? Mismong si Carmina ang nagsabi na isa siya sa mga unang pinagsabihan ni BB tungkol sa pagiging baklita nito.

Nagkataon lang na hindi pa nagkakaharap ang dalawa mula nang piliin ni Rustom Padilla na magpakababae.

Naniniwala ako na nakita nina Carmina at BB ang isa’t isa pero pinili nila na magdedmahan para hindi sila makaagaw ng atensiyon ng mga bisita dahil kung nangyari ito, ang dalawa ang pagkakaguluhan ng media, hindi ang may kaarawan.

Napakaliit ng mundo ng showbiz. Magkakasalubong at magkikita sina Carmina at BB sa ayaw at sa gusto nila.

Aktres na nagtaray sa rich girl nasupalpal ng kasamang kaibigan

Isinusumpa ng isang mayaman na babae ang aktres na nagtaray sa kanya sa chance encounter nila sa isang lugar.

Naloka ang rich girl nang bigla siyang tarayan ng aktres eh wala naman siyang ginawa maliban sa pagngiti.

Kung mataray ang aktres, mas mataray ang kasama ni rich girl dahil matunog ang mura nito sa aktres na natulala at biglang natauhan. Alam niya kasi na wala siyang kalaban-laban dahil walang ginawa na masama ang rich girl.

Ikinakampanya ngayon ng rich girl sa kanyang mga kaibigan at mga nakakausap na huwag suportahan ang mga movie at television project ng aktres na wala sa lugar ang pagtataray.

Airing ng mga Gutierrez sa E! hindi pa alam kung kailan

Hindi pa rin masabi ng Gutierrez family kung kailan ang airing sa E! ng kanilang reality show, ang It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Tiniyak nila na magpapatawag uli sila ng big presscon kapag sure na sure na ang airing ng reali­ty show na pinakaabangan ng lahat. Marami ang interested na mapanood ang It Takes Gutz to be a Gutierrez dahil super promote ang Gutierrez family at sangkatutak din ang publicity ng kanilang reality show.

                                     

vuukle comment

BIMBY

CARMINA

CARMINA VILLAROEL

DAHIL

IT TAKES GUTZ

KUNG

MICHELA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with