^

Pang Movies

Serye ni Marian hindi muna tatapusin

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

Nagtampo ang fans ni GMA Primetime Queen Marian Rivera nang malamang hanggang April 25 na lamang mapapanood ang Carmela (Ang Pinakamagandang Babae sa Ibabaw ng Mundo). Ang iba may violent reactions pa pero nawala agad ito nang mag-post sa kanyang Instagram account si Marian na tuloy ang ligaya, magkakasama-sama pa rin sila hanggang sa May na sinundan din ng announcement ng GMA 7 na aabot ng 16 weeks ang soap hanggang May. Ganoon ang reaction ng mga sumusubaybay sa soap dahil for the last three weeks ay laging nangunguna ito sa AGB Nielsen sa Mega Manila.

Muling nagkaroon ng iba’t ibang reactions ang mga viewer nang mapanood last Thursday ang passionate kissing scene sa iba’t ibang anggulo nina Marian at Alden shot in a romantic place in Malolos, Bulacan. Kung tuwang-tuwa ang iba na marunong umintindi na trabaho lamang iyon bilang dalawang taong so much in love with each other, ayaw naman ng iba.  Kahit ang ama ni Alden, si Richard Faulkerson, Sr. ay na-bash sa Twitter dahil nai-post niya ang picture ng kissing scene, habang kinukuwento niya na tinatanong ng lola ni Alden bakit daw ang tagal ng halikan ng apo at ni Marian pero kahit daw antok na antok na si lola ay tinapos pa ring panoorin ang apo. 

Jennylyn inaalalayan ng psychologist

Para kay Jennylyn Mercado, pinaka-challenging ang role niya sa Rhodora X dahil both extremes ang tatlong personalities na ginagampanan niya, ang mabait na si Rhodora, ang masamang si Roxanne, at ang batang si Rowena. Inamin niyang nahihirapan siya kapag sunud-sunod na uma-appear sa eksena ang tatlong character niya dahil ang hirap daw ng transition. Pero thankful siya kay Direk Albert Laguitan at sa kanyang acting coach/psychologist na inaalalayan siya sa eksena. 

Tinanong ng dumalaw na entertainment press si Jennylyn tungkol sa kanyang love life dahil ilang buwan na rin after ng breakup nila ni Luis Manzano. 

 â€œAyaw ko na muna ng new love, focused muna ako sa work ko, at kay Alex Jazz,” sagot ni Jen. â€œMaganda nga kasi mas naasikaso ko ang anak ko nga­yon. Hindi pa rin ako handa na magkaroon ng bagong relasyon. Hindi ko na iyon hinahanap, alam ko darating na lamang iyon kung kailan, hindi ko alam.”

Natawa kami kay Jen nang sabihin niyang hindi niya pinapapanood sa anak ang Rhodora X dahil maraming eksenang hindi talaga dapat mapanood ng mga bata. Kahit daw siya ay natatakot, kapag hawak na niya ang props na kitchen knife sa eksena.

         

vuukle comment

ALEX JAZZ

ANG PINAKAMAGANDANG BABAE

DIREK ALBERT LAGUITAN

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

KAHIT

LUIS MANZANO

RHODORA X

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with