^

Pang Movies

Aktres problemado sa magulang ng dyowa, inaasahang kasalan malabong mangyari

STARTALK - Lolit Solis - Pang-masa

Hindi pala boto sa aktres ang pamilya ng kanyang boyfriend kaya hindi pa siya mapakasalan.

Worried na nga ang aktres dahil hindi na siya bumabata. Super in love siya sa kanyang dyowa pero hadlang sa pagma­ma­halan nila ang mga magulang na super conservative.

Beterana na ang aktres sa pakikipagrelasyon at karamihan dito ay nauwi sa hiwalayan. Ang feeling ng aktres, ang boyfriend niya ngayon ang perfect husband para sa kanya. ’Yun nga lang, hindi siya type ng pamilya kaya problematic ang pobreng aktres.

Mitch Valdes waging-wagi sa pambagets na movie

Waging-wagi ang role ni Mitch Valdes sa Diary ng Panget: The Movie. Ang sabi ng mga nakapanood ng pelikula, pang-best supporting actress ang acting ni Mitch.

Hindi matatawaran ang husay ng singer-actress sa pag-arte at pagkanta. Nagkaroon na siya noon ng acting award dahil sa bonggang performance niya sa isang dramatic movie.

Jasmine wala pang sinasabi sa problema nina Anne at Sam

Buo ang suporta kay Anne Curtis ng kanyang loyal fans na hindi naniniwala na tinalakan niya si Sam Concepcion.

Hinihikayat si Anne ng kanyang fans na gumawa siya ng aksiyon para malaman ng madlang-bayan ang katotohanan. Kailangan daw na ipagtanggol din ni Anne ang sarili laban sa mga ibi­nibintang sa kanya.

Nagiging personal na ang away ng fans ni Anne at ng mga supporter ni Sam. Kanya-kanya sila ng opinyon. May mga violent reaction at may nakakatawa rin.

Isa lang ang masasabi ko. Maaayos din ang problema at magkakasundo ang magkabilang-panig. Napakaliit lang ng showbiz lalo na para sa mga ka­tu­lad nina Anne at Sam na parehong belong sa Kapamilya station. Iisang tao rin ang minamahal nila at siguradong nalilito sa mga nagaganap, si Jasmine Curtis Smith! As if naman, may iba pa?

Hindi pa naririnig ng publiko ang side ni Jasmine tungkol sa nagbabagang isyu na pinagpipistahan ng buong bayan.

Magkikita kami ngayon ni Mama Rubby Sy, ang big boss ng Flawless. Tatanungin ko si Mama Rubby kung nagkausap na sila ni Jasmine bilang ito ang celebrity endorser ng Flawless.

Malay natin, baka nagkausap ang dalawa. Baka may i-share si Mama Rubby sa akin na puwede kong i-share sa dear readers ng PM (Pang-Masa).

Mga artista dusa sa init ng panahon

Nakakatamad lumabas ng bahay dahil sa sobrang init ng panahon. Kung wala rin lang importanteng lakad, iniiwasan ko na lumabas ng bahay dahil feel na feel ko ang summer heat.

Isipin n’yo na lang ang dusa ng mga artista ng Kambal Sirena ng GMA 7. Mas matindi ang dusa na nararamdaman nila dahil kahit nakababad sila sa tubig dagat, siguradong masusunog ang kanilang mga balat na epekto ng nagnga­ngalit na sikat ng araw.

Napapansin na nga ang rashes sa mga mukha nina Aljur Abrenica at Mike Tan, ang leading men ni Louise delos Reyes sa Kambal Sirena. Wala yatang epekto ang mga skin lotion na ginagamit nila dahil natatalo ito ng init ng panahon.

Mukhang mapapadalas ang pagbisita nina Aljur at Mike sa kanilang mga dermatologist or else ang mga skin nila ang magdurusa. Ito ang perfect time na bumisita sila sa mga clinic ng Belo at Flawless! Puwede ko silang i-endorse kina Dr. Vicki Belo at Mama Rubby!

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANNE CURTIS

DR. VICKI BELO

JASMINE CURTIS SMITH

KAMBAL SIRENA

MAMA RUBBY

MITCH VALDES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with