^

Pang Movies

Sandra Bullock role model ng mga babaeng driver

Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang quick-thinking lady bus driver na katulad ni Sandra Bullock sa pelikulang Speed ang hinahanap ngayon ng Philtranco bus company.       

Unang na-capture ni Sandra ang international attention sa kanyang role bilang lady bus driver sa pelikula. Naka-inspire rin siya ng mga kababaihan sa Amerika at ibang panig ng mundo na gustong gawing propesyon ang pagda-drive.

Merong scientific reason kung bakit mas epektibo ang lady drivers. Sa isang pag-aaral, ang mga babae ay hindi kadalasang nai-involve sa reckless driving, speeding, running stoplights, at pag-o-overtake.

Sa 50 bagong state-of-the-art Nissan 1300 buses ng Philtranco line ang naghihintay ngayon para sa mga babaeng tsuper na gustong sumabak sa bagong challenge sa kanilang propesyon.

Ang qualified female drivers ay puwedeng magpadala ng kanilang bio-data kay Rosalinda B. Roxas sa Philtranco Human Resources.

Puwede ring mag-inquire sa 851-8081 or text 0917-8835734 at mag-e-mail sa [email protected].

Ang pagre-recruit ng lady drivers ng Philtranco ay isang initiative para sa kanilang commitment sa mga pasahero na  “biyaheng masaya, serbisyong subok na.”

 

vuukle comment

AMERIKA

ISANG

MERONG

NAKA

NISSAN

PHILTRANCO

PHILTRANCO HUMAN RESOURCES

ROSALINDA B

SANDRA BULLOCK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with