^

Pang Movies

Ryzza Mae sisilipin kung bibo sa eskuwelahan

Pang-masa

MANILA, Philippines - Patok sa takilya ang kanyang pelikulang My Little Bossings, top grosser pa nga. Bago mananghali, inaaliw niya ang mga manonood sa sarili niyang programa, ang The Ryzza Mae Show. Sunud-sunod ang biyayang dumarating at malayo pa ang mararating dahil magwa-walong taong gulang pa lang si Ryzza Mae Dizon.

Bago raw nakuha ng bagets ang titulong Little Miss Philippines sa Eat Bulaga, hindi raw madali ang naging karanasan nila ng kanyang mga magulang. Ang kanyang Mommy Rissa, kinailangan pa raw mangutang ng pamasahe para makapunta sila ng audition.

 Pero nang manalo, regular na si Aling Maliit sa Dabarkads ng Eat Bulaga. Araw-araw na rin siyang nagbibigay saya sa kanyang sariling show.

Ngayong Biyernes ng 10:15 p.m. sa Follow That Star ng GMA News TV, silipin ang buhay ng pinakasikat na child star ngayon. Sa kabila ng kanyang busy schedule, pumapasok pa rin ng eskuwelahan si Ryzza. Kung gaano siya ka-bibo sa telebisyon, ganoon din siya ka-aktibo sa eskuwelahan. At maging sa backstage ng Eat Bulaga, tila wala siyang kapaguran sa kakulitan.

 

vuukle comment

ALING MALIIT

ARAW

EAT BULAGA

FOLLOW THAT STAR

LITTLE MISS PHILIPPINES

MOMMY RISSA

MY LITTLE BOSSINGS

NGAYONG BIYERNES

RYZZA MAE DIZON

RYZZA MAE SHOW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with