^

Pang Movies

Pacman kinukumbinsi ni VP Binay, Jinggoy umaasang mapipili

MASA...RAP - Ernie Pecho - Pang-masa

Tiniyak ni Vice President Jejomar Binay na kasali sa senatorial slate ng kanyang partido si Sarangani Rep. Manny Pacquiao sa elections 2016. Natural, malakas na ka-ticket ang seventh-time world boxing champion.

Ang sabi naman ni Pacman, hindi pa siya nag-iisip tungkol dito. Naka-focus ang kanyang concentration sa laban nila ni Timothy Bradley this April. Papunta na nga ang team Pacquiao sa California para sa puspusang pagsasanay.

Sa mga nasa showbiz naman, patuloy na umaasa si Sen. Jing­goy Estrada na siya ang mapipiling running mate ni Vice President Binay sa 2016. Mukhang mahigpit niyang makakalaban si Kris Aquino.

Kahit magpatuloy pa ang pork barel scam, walang balak si Sen. Bong Revilla, Jr. na umatras sa laban ng presidential/VP elections. Nakahanda siya nang husto, kahit sino ang katunggali sa hinahangad na puwesto.

Pamilya Gutierrez pinipigilan sa mga delikadong lugar

Pinipigilan ng kanilang close friends ang pamilya Gutierrez na pumasyal sa mga delikadong lugar upang isali sa kanilang TV reality show na It Takes Gutz to be a Gutierrez.

Baka malagay sa panganib ang kanilang buhay tulad sa Thailand, na tuloy ang political unrest, at kasali sa kanilang itinerary on the Star Cruise. Ang sabi ng mga showbiz insider, hindi sila sigurado kung mabibigyan ng complete protection kapag nasa isang lugar na nagkakagulo.

Siguradong makakasama sa mga future episode ng E! attraction si Sarah Lahbati. Ewan lang kung may makikilala tayong bagong apo nina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez.

Iya nag-guest sa show na kamay at singsing lang ang ipinakita!

Pinanood namin ang Biyahe ni Drew na Batanes episode sa GMA News Channel last Friday evening. Maganda talaga ang northernmost part ng bansa at OK ang pagka-produce ng show.

Pagsakay pa lang ng van papunta sa kanilang tutuluyan sa Basco, sinabi na ni Drew na ka-join ang kanyang misis na si Iya Villania. Kaya lang, kamay at wedding ring lang ang ipinakita. Hindi maaaring lumabas sa show ang bagong kasal dahil may exclusive contract siya sa ABS-CBN.

After the show, gusto na naming magpunta sa Batanes at kumain ng coco crab at lobster. Bitin ang lahat ng ipinakita sa Biyaheng Drew, kaya kami naman ang mamamasyal sa napakagandang Batanes.

Nora parang pusa na siyam ang buhay, bagong projects ayaw paawat

Mahigit apat na dekada nating naririnig ang tila pusang siyam na buhay ni Nora Aunor sa showbiz. Sa tuwing siya ay tila pa-exit na sa eksena, dumarating naman ang mga kailangang project para makabangon muli.

Very enthusiastic ang mga Noranian sa forthcoming na Padre de Familia with Coco Martin. Siguradong aangat muli ang star power ni Ate Guy, with the multi-awarded actor as leading man.

Gagawin pa ang Dementia na very challenging ang title role na bibigyang buhay ni Ate Guy. Paulit-ulit ding sinasabi na you can never put a good actress down. Kapag mahusay ang isang artista, imposibleng hindi mabigyan ng karapat-dapat na proyekto.

Raimund Marasigan naglabas ng album sa lata ng squid flakes

Super creative si Raimund Marasigan, kaya’t bawat likha niya ay inaabangan. Ang bago nilang album ng Squid 9, kakaiba ang packaging. Mabibili ito na nasa loob ng lata ng squid flakes. Hindi tiyak kung may giveaway na malulutong na pusit.

Ryzza Mae nakapag-collect na ng selfie photos

Libangan ngayon ni Ryzza Mae Dizon ang magkukuha ng selfie.

“Kapag wala akong magawa at naiinip, nagse-selfie ako,” say ng child wonder. Baka may lumabas na ng collection niya ng selfie sa isang fan magazine.

vuukle comment

ANNABELLE RAMA

ATE GUY

BATANES

BONG REVILLA

COCO MARTIN

EDDIE GUTIERREZ

IT TAKES GUTZ

RAIMUND MARASIGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with