^

Pang Movies

Toni moral support lang ang gustong regalo, walang paki sa materyal na bagay!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Para kay Toni Gonzaga, ang taong 2013 ay very challenging para sa buong bansa at marami siyang natutunan sa taong ito.

“It’s been very challenging for the whole country. Parang it’s so hard sometimes, to celebrate the personal successes, the achievements na nakukuha mo because of what’s going on around. Parang it has taught me so much.

“This year has taught me a lot na be more selfless, be more compassionate, be more aware of what’s going on and to reach out. Parang ganun. Parang tigilan muna natin ang pagiging makasarili. Isipin natin ang kapwa natin, makatulong, masarap palang makatulong,” sabi ni Toni.

May mababago ba ngayon kung paano sila magse-celebrate ng Christmas?

“Oo. Medyo malaki. Malaki ang mababago. This year, walang masyadong materyal. Instead na bumili ng materyal para sa sarili o pamilya, parang tulong na lang, ibigay na lang kasi unfair naman na nagse-celebrate tayo eh may mga Kapamilya pa tayong hindi nakakaahon. Parang ganun,” sagot ni Toni.

So, ano ang gift niya sa boyfriend na si Direk Paul Soriano?

“Suporta. Moral support,” natatawang say ni Toni. “Hindi kami ma-materyal. ’Yun ’yung isa sa pinagpapasalamat ko, bukod sa tipid na tipid sa bulsa ko.

“Hindi. ‘Yun talaga ang isa sa mapagpapasalamat ko. Bukod sa materyal, mas gusto niya ‘yung ano na lang... sabi niya, ‘I don’t need material things because there are things that I can also buy for myself. ’Yung commitment, ’yung loyalty, ’yung honesty,’ yun ang binuo namin kaya siguro tumagal kami.”

When asked kung ano ang plans niya for 2014, wala raw dahil wala namang nasusunod sa mga plano niya.

“Parang I will just let it go. Parang I will just go with whatever He’s going to give me and bless me. Kung ano ’yung trabaho na ibibigay, gagawin ko na lang ’yung best ko,” saad ng Multi-Media Queen.

Robin tutok sa anak na lalaki

Sa panayam kay Robin Padilla sa Buzz ng Bayan aired last Sunday, sinabi ng action star na baka raw hintayin muna niyang magkaroon ng girlfriend ang anak niyang si Ali bago niya pag-isipang magkaroon sila ng anak ni Mariel Rodriguez.

“Alam pa niya (Mariel) na ang concentration ko ngayon ay nandoon sa anak kong lalaki kasi fourteen na si Ali. Kailangan na siyang gawing mama. Alam ni Mariel ’yun. Siguro mga isang taon pa kapag nagka-girlfriend na si Ali,” sabi ni Binoe.

Ang gusto raw muna nila ngayon ay mag-travel sa mga bansang hindi nila napupuntahan at medyo mahirap gawin iyon kung may anak na sila.

“Minsan sasabihin ko sa kanya ‘Kailangan natin umalis. Mababaliw na ako sa Pilipinas.’ Paano siya aalis kung may anak siya?” say pa ng bida  ng 10,000 Hours, official entry to Metro Manila Film Festival na showing ngayong Dec. 25.

John Lloyd kinansela ang bakasyon sa abroad para sa mga naghihirap

Si John Lloyd Cruz naman ay hindi na raw muna magbabakasyon sa kung saan-saang lugar this Christmas at sa halip ay itutulong na lang nila sa mga Yolanda victim ang perang gagastusin sana sa travel.

Pero say ng aktor, maganda ang pagsisimula sa kanya ng taon dahil may bago nga siyang sitcom na magbubukas sa Jan. 5, ang Home Sweetie Home kapareha si Toni Gonzaga.

“Masayang-masaya ako dahil ang ganda ng pasok ng taon at saka ang ganda ng pasok sa oras na 7:30 tuwing Linggo kaya masayang-masaya ako,” say ng aktor.

Ginagampanan ni Loydie and Toni ang papel na mag-asawa sa Home Sweetie Home.

vuukle comment

ALAM

ALI

DIREK PAUL SORIANO

HOME SWEETIE HOME

JOHN LLOYD

PARANG

PARANG I

TONI

TONI GONZAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with