^

Pang Movies

Young actor sa bahay na ng young actress na gf nakatira!

SO...CHISMIS ITOH!? - Ruel Mendoza - Pang-masa

Dismayado ang talent manager sa kanyang alagang young actor dahil nalaman niyang nagsasama na sila ng isang young actress. Nagulat pa ang manager dahil ibang tao pa raw ang nakaalam at nagmukha siyang tanga dahil wala siyang balita sa pinaggagawa ng kanyang alaga.

Sa ginawang pag-iimbestiga ng talent manager ay nalaman niyang sa bahay pa ng young actress umuuwi ngayon ang young actor. May mga gamit na siya roon at pagkatapos ng taping ay doon na siya umuuwi.

Hindi pa kinakausap ni talent manager ang kanyang alaga dahil baka kung ano raw ang masabi niya rito. Lalo na sa kinakasama nitong young actress na pinagkatiwalaan pa naman niyang bantayan ang young actor para hindi ito mapariwara.

‘Yun pala ay ito pa ang mag-uudyok sa young actor na gumawa ng hindi ma­ganda at maglihim pa sa kanya.

Matagal na nga rin daw hindi kinakausap ni ta­lent manager ang young actor dahil marami na silang hindi mapagkasunduan. Pasaway na kasi ito pero iniintindi na lang siya ni talent manager.

“Magpasalamat ang young actor na ‘yan dahil mabait ang manager niya. Hindi marunong gumawa ng eksena. Kung ibang manager ‘yan eh di binulgar na ang kalandian ng ka-live-in niyang young actress.

“Sana ma-realize ni young actor ang mga pagtatanggol sa kanya ng manager niya. Pasalamatan naman niya dahil ito ang sumasalo ng mga kapalpakan niya. Na kahit nagiging pasaway siya ay pinagbibigyan pa rin siya,” sabi ng aming source.

Ang ipinagtataka lang daw ng manager ay kung bakit tino-tolerate ng magulang ng young actress ang pag-uwi sa bahay nila ng young actor? Dapat ay sila pa ang unang magbawal dahil makakasira ito sa image ng kanilang anak na babae.

Charice iba ang sinasabi tungkol sa nanay

Sinagot na ni Charice ang balitang nagtangka siyang magpakamatay dahil nagkaroon siya ng problema financially. Galing ang kuwentong ito mula sa kanyang maternal grandmother.

Nilinaw ni Charice ang lahat at pinawalang-totoo na naglaslas siya ng pulso dahil malapit na siyang ma-bankrupt.

“Nitong mga nakaraang araw, pinilit kong manahimik kaysa sagutin ang tanong ng ilan kung totoo nga bang nagtangka ako ng suicide dahil wala na akong pera.

“Ngayon pabubulaanan ko ang mga bintang. Mahal ko po ang buhay ko, lalo pa nga’t malaya ko nang naipapahayag ang totoong ako,” diin pa ni Charice.

Nabanggit din ni Charice na wala siyang problema sa pera at tuloy pa rin ang kanyang pagtatrabaho para sa kanyang pamilya.

Nasabi rin ni Charice na hinihintay na lang niya ang muling pagsa­sama nila ng kanyang inang si Raquel Pempengco at kapatid na si Carl.

“Maghihintay po ako ng kapatawaran ng Mommy kahit kailan. Bagama’t hindi kami nagkikibuan ng Mommy ko ngayon, patuloy pa rin po akong nag-iipon dahil kaligayahan ko na po ang paligayahin ang Mommy at ang kapatid kong si Carl,” sabi ng lesbian singer.

Khloe Kardashian ididiborsiyo na ang asawang basketbolista, sumabog ang galit nang madiskubre sa rap video na nambabae pala

Nag-file na ng divorce si Khloe Kardashian sa kanyang basketball player husband na si Lamar Odom. Irreconcilable differences ang nai-file na dahilan ni Khloe para sa divorce sa kanyang estranged husband.

Wala raw magiging malaking problema sa paghihiwalay ng dalawa dahil meron silang pinirmahang prenuptial agreement. Hiwalay ang kanilang mga asset at wala pa silang naging anak kaya mapapadali ang kanilang divorce.

Nagsimula ang lahat nang maglabas si Lamar ng isang freestyle rap video na nasabi nito na nambabae siya. Iyon na ang nag-udyok kay Khloe na tuldukan na ang kanilang pagsasama kahit na ilang beses niyang ipinagtanggol ito dahil sa paggamit ng ipinagbabawal na droga.

Pagkatapos mapanood ang video na iyon ni Lamar, tinanggal na ni Khloe ang kanyang wedding ring.

Marami pa namang nakaaway si Khloe dahil sa pagtatanggol niya sa kanyang mister pero  tila walang halaga pala ang mga ginawa niya.

Ikinasal sina Khloe at Lamar noong September 2009 at ipinalabas pa ito sa hit reality show na Keeping Up With the Kardashians. Nagkaroon pa sila ng sariling spin-off reality show na Khloe & Lamar na ipinapakita ang buhay may-asawa ng dalawa.

 

vuukle comment

ACTOR

CHARICE

DAHIL

KANYANG

KHLOE

LAMAR

MANAGER

YOUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with