^

Pang Movies

Kristoffer nabahiran ng suwerte

Vir Gonzales - Pang-masa

MANILA, Philippines - Marami ang naiinggit sa big break na ibinigay ng GMA kina Kristoffer Martin at Julie Ann San Jose sa nagtapos na musical-drama na Kahit Nasaan Ka Man. Plano talaga siyang i-build up bilang dramatic actor sa isang eksena.

Malaki ang naging suporta ng aktres na si Rita Avila, ang nawawalang ina ni Kristoffer. Lumalaban ang bagets sa ac­ting ni Rita. Ginaya niya ang aktres na walang pakialam kahit tuluy-tuloy ang agos ng luha at hindi na beauty habang umiiyak.

Isa na namang bagets ang tiyak nabahiran ng suwerte ni Rita patungo sa pagsikat. Ilan na bang kabataang stars ang nasuportahan ng aktres sa GMA? Basta ang payo ni Rita, tiyak na may mararating ang artista basta huwag lang lalaki ang ulo. 

Rocco, alas si San Pedro

Mahirap ang role ni Rocco Nacino sa Sa Akin Pa Rin ang Bukas sa Kapuso Network pa rin. Bida na kontrabida pala siya bilang lover boy nina Lovi Poe at Charee Pineda.

Matagal na sanang nabigyan ng break si Rocco pero feeling daw niya ay ngayon pa lamang ang takdang panahon. Tiyak lalo na siyang pag-uusapan sa pagbibida sa indie film ng buhay ni Pedro Calungsod.             

 

vuukle comment

CHAREE PINEDA

JULIE ANN SAN JOSE

KAHIT NASAAN KA MAN

KAPUSO NETWORK

KRISTOFFER MARTIN

LOVI POE

PEDRO CALUNGSOD

RITA AVILA

ROCCO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with