^

Pang Movies

Andi nag-sorry kay Cristine matapos hiyain

SHOWBIZ UPDATE - Nora Calderon - Pang-masa

First time lamang palang nagkasama sa isang project sina Cristine Reyes at Andi Eigenmann at hindi itinago ni Andi sa presscon ng When the Love is Gone na may nerbiyos siya sa confrontation scene nila ni Cristine. Ilan lamang daw ang eksena nila ni Cristine dahil ang madalas niyang kasama ay sina Gabby Concepcion at Alice Dixson, who are her parents in the story, at si Dina Bonnevie in a special role. 

Alam daw niyang isa sa mga mahuhusay na young actresses ngayon si Cristine. Nag-alaala siya dahil ang eksena ay hihiyain niya ang aktres sa harap ng maraming tao ’tapos tatapunan niya ng pie sa mukha. Nag-sorry daw siya after the take pero game naman si Cristine. Alam nitong gano’n ang eksena nila. 

Mula sa Viva Films at sa direksiyon ni Andoy Ranay, may dalawang premiere night ang movie sa Nov. 26 sa Glorietta Cinema 4 and SM Megamall Cinema 10.

Tom quota na sa pagiging bakla

Naka-quota na raw si Tom Rodriguez sa pagganap ng gay role kaya after ng Gaydar, nagsabi na siya sa manager niyang si Popoy Caritativo na saka na lamang siya muli tatanggap ng ganitong role.   

“Kaya refreshing sa akin na nang nagti-taping pa kami noon ng My Husband’s Lover, nagsyu-shooting naman kami nitong Gaydar,” sabi ni Tom. â€œLalaki ako rito pero akala ni Tina (Pauleen Luna), pareho kaming gay ni Nick (Rafael Rosell) dahil hindi niya alam kumilatis kung ang isang lalaki ay gay o hindi. Kaya marami kaming nakatutuwang eksena rito. Happy ako dahil first indie film ko ito at first time ko lamang nakatrabaho sina Pauleen at Rafael at si Direk Alvin Yapan,” sabi ng aktor sa pelikula nilang palabas na sa Wednesday, November 13, released ng Quantum Films.”

Julie Anne at Kristoffer kalaban na ang mundo

Nasa final week na ang musical-drama series na Kahit Nasaan Ka Man nina Julie Anne San Jose at Kristoffer Martin. You and me against the world na ang drama ng mag-sweetheart na Pauline (Julie Anne) at Leandro (Kristoffer) dahil pareho nang ayaw pumayag ang mga magulang nilang sina Theresa (Eula Valdez) at Ernest (Michael de Mesa) na ituloy nila ang kanilang relasyon. 

Ano ang gagawin ng dalawa, sino ang tutulong sa kanila? Napapanood ang Kahit Nasaan Ka Man after ng Genesis sa GMA 7.

 

vuukle comment

ALAM

ALICE DIXSON

ANDI EIGENMANN

ANDOY RANAY

CRISTINE

CRISTINE REYES

JULIE ANNE

KAHIT NASAAN KA MAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with