^

Pang Movies

Angel madaling nakabangon sa naging kapalaran nila ni Phil

ISYU AT BANAT - Ed de Leon - Pang-masa

Kinumpirma na nga ni Angel Locsin mismo sa pamamagitan ng kanyang social networking post na split na sila ni Phil Younghusband. Sinabi rin niyang iyon ay isang mutual decision.

Wala na siyang ibinigay pang detalye kung ano ang pinagmulan ng split, basta nagpasalamat na lang siya lalo na sa mga fans na sumuporta sa kanilang relasyon sa loob ng isang taon din namang mahigit, at hiningi niyang pabayaan na muna silang manahimik tungkol sa mga bagay na iyon.

Inamin niyang talagang split na sila, pero mag-uusap pa raw sana sila kung papaano nila sasabihin ang mga bagay-bagay tungkol doon, kaya lang naunahan na sila ng media. Kaya sa ngayon iyon na lang muna ang gustong sabihin ni Angel.

Ok lang naman iyon, at least confirmed na ang kuwento. Wala na nga sigurong lalabas pang kung anu-anong ispekulasyon. At saka iyang si Angel, hindi naman talaga iskandalosa kagaya ng iba na matapos ang split ay marami pang kung anu-anong kuwento. At least nami-maintain niya ang kanyang image. Hindi siya kagaya ng iba na kung anu-anong iskandalo ang nasasaksakan.

Inamin niya na masakit din naman iyon, pero kahit na medyo emotional, siguro nga mabilis na malalampasan iyan ni Angel dahil ang dami naman niyang trabaho sa ngayon. May mga film projects siyang kailangang harapin bukod pa nga sa ginagawa niyang serye sa telebisyon na magsisimula na rin naman. Kung ang tao ay busy, at talagang pagod sa trabaho, mas madali siyang makabangon sa ganyang sitwasyon. Wala kasi siyang time na mag-isip ng kung anu-ano pa eh.

Pero sa totoo lang, marami ang nanghihinayang, lalo na sa mga fans. Hindi lang dahil bagay naman sila kundi dahil sa nakita ring maraming pagbabago sa kanilang buhay simula noong maging on sila. Lumawak ang audience ni Angel, lalo na sa mga sports fans na nakakakita sa kanya sa mga laro ng Azkals. Si Phil naman, nakababa sa masa, at hindi ba sinasabi nga niyang naging palagian ang pagpunta niya sa kanilang “church” simula noong makasama niya si Angel? Sayang talaga.

DSWD naunahan ng isang abogado

Naunahan pa ng abogadong si Fernando Pe­rito ang DSWD sa pagsasampa ng kaso laban kay Freddie Aguilar. Habang magsisimula pa lang sa imbestigasyon ang DSWD, nagsampa na ng kasong qualified seduction si Perito laban kay Freddie sa QC Prosecutors Office. Isinampa niya ang sumbong bagay sa Revised Penal Code.

Iyang kasong iyan ay hindi naman makapipigil sa DSWD na magharap ng isa pang kaso, na batay naman sa ibang umiiral na batas. Kung tutuusin dapat iyang DSWD nga ang gumawa niyan eh. Aba pinopondohan sila ng pera ng bayan para tumulong at magpatupad ng batas. Naunahan pa sila ng isang abogado na nagtangka rin noong pigilin ang impeachment ni CJ Renato Corona.

Pero ang sabi naman ni Freddie, haharapin daw niya ang kasong iyan dahil kung hindi, para na rin niyang sinabing tama ang ginawa ni Perito.

Aktres nagbayad ng lalaki

Nakakahiya naman iyong tsismis na binayaran daw ng isang sikat din namang female star ang isang male star para lang sila magkaroon ng fling. Kung sa bagay, marami namang pera si female star na may iba pang “sources” bukod sa kanyang kinikita sa kanyang career.

Siguro lonely na rin siya kaya naman umabot na siya sa ganoon. Marami nga siyang pera pero walang lalaking tuma­gal sa kanya.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

FERNANDO PE

FREDDIE

FREDDIE AGUILAR

KUNG

LANG

NAMAN

SILA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with