^

Pang Movies

AiAi aminado, movie nila ni Marian hindi GAANONG kumita!

- Vinia Vivar - Pang-masa

Aminado naman si AiAi delas Alas na hindi ganun kalakas sa ta­kilya ang movie nila ni Marian Rivera na Kung Fu Divas compared sa mga past mo­vies niya na talagang umaabot at lumalampas sa 100 million mark ang gross sa box-office.

Aminin naman natin, sanay si AiAi sa mga kitang 100 million plus at hindi naman siya mabibigyan ng titulong Comedy Queen kung wala siyang napatunayang lakas sa ta­kilya. Pero sa Kung Fu Divas, she’s humble enough to admit na hindi nga siya ganu’n kalakas but nevertheless, happy naman daw siya sa result at nilinaw niyang hindi naman ito flop.

“Okay na sa akin ‘yung result niya (sa box-office). Hindi naman ako mapag­hanap. Sa totoo lang, hindi naman siya flop, eh. Hindi siya flop. Kaya lang, as expected, hindi ganu’n. ‘Yung mga 100 million nga,” she said.

Nalulungkot din ang Comedy Queen na parang si Marian ang sinisisi ng iba kung bakit hindi ganu’n kalakas ang movie. Sabi kasi ng iba, wala pa raw naging blockbuster na movie si Yan kaya siya nga ‘yung parang napo-point out na dahilan.

Ayon kay AiAi, unfair naman daw na i-blame kay Marian ang na­ging resulta ng Kung Fu Divas.

“Siyempre, partner ko si Marian (sa movie), siyempre nahe-hurt din ako na binabanatan siya. Unfair naman ‘yun sa tao,” pagtatanggol ni Comedy Queen.

For her next movie, ani AiAi ay may pinaplano raw next year. May konsepto nga raw sila ni direk Wenn Deramas pero ayaw pa niyang i-divulge basta tungkol daw sa ina na parang mala-Tanging Ina. Pero hindi na raw sequel ng Tanging Ina dahil nga sa pinakahuling sequel, nilagay na nila sa titulo ang Last na ‘To.

“Gusto kong panindigan ‘yung Last na To. Buti kung Tanging Ina, Mamahinga muna Tayo or Tanging Ina, Rest Muna (ang title), ‘yun puwede.

Pero ‘yung last na ‘to, tapos gagawa pa, ano ‘yun?”

Gusto rin daw niyang makasama si Gov. Vilma Santos in her next film lalo pa nga’t may hula raw sa kanya na may gagawin siyang movie na babae ang kasama niya at magiging super-blockbuster.

“Ang gusto ko, si Ate Vi naman ang makasama ko,” say ni Miss A.

Samantala, masayang-masaya ang Comedy Queen dahil sa napakataas na ratings ng kanyang Wansapanataym special na Moomoo Knows Best sa pilot episode nito last Oct. 12. Naging no.1 over-all weekend program ito with 30.8% ratings.

Direk Wenn hindi narinig ang malakas na tawanan sa kanyang pelikula

Sayang at hindi nakita ni Direk Wenn Deramas ang reaksiyon ng mga tao sa premiere night ng idinirihe niyang Be­kikang na pinagbibidahan ni Joey Paras dahil kagagaling lang niya sa sakit at nagpapagaling.

Ginanap ang premiere night ng Be­kikang last Tuesday sa SM Megamall at hindi nakadalo ang direktor dahil ayon nga sa mga balitang naglabasan, nagkaroon ito ng mild stroke pero okay na raw ito ngayon.

Sana’y naroroon si Direk Wenn para nakita niya kung gaano kalakas ang tawa ng mga tao sa sinehan, sana’y narinig niya ang mga papuri ng mga nanood na nakagawa na naman siya ng isang napakagandang pelikula.

Walang duda, magaling nga si Joey at kaya niya na talagang magdala ng pelikula. Napaka-touching din ng story na tatawa ka sa simula pero sa bandang huli ay paiiyakin ka.

Nagsimula na ang showing ng Bekikang kahapon, Oct. 23 sa mga sinehan.

 

vuukle comment

COMEDY QUEEN

DIREK WENN

KUNG FU DIVAS

NAMAN

PERO

TANGING INA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with